Why Can't It Be? 7

1K 14 0
                                    

“Ma punta lang ako sa Mall may bibilhin lang ako.”

Paalam ko kay Mama na ngayon ay nagsasampay ng damit. Umalis na kaninang umaga si Hugo nang umayos na ang pakiramdam ko  hindi din pumupunta sila Kuya Yogi simula kahapon nang tarayan ko siya.

“Okay lang ba na mag-isa ka lang pupunta? May mga pasok pa mga kapatid mo kaya walang makakasama sayo.”

Nakashorts lang ako ngayon at nakatube na black na may nakapatong sa leeg ko na mahabang scarf na itim at nakasandals na flat. Kaya ayaw niya akong paalisin na mag-isa lang. NapakaCONSERVATIVE talaga.

“Yes, Ma saglit lang ako may bibilhin lang ako.”

Wala na itong nagawa kaya hinayaan na lang akong umalis mag-isa. Wala naman akong dala ngayon na malaking pera tanging credit card lang baka sakaling may magustuhan ako.  Nagtrycicle at jeep nalang ako papunta doon hindi na ako nagpahatid sa kotse dahil wala ang Daddy nasa shop ito.

Habang naglalakad ako at patingin-tingin ay may nakabangga sa akin na isang lalaki kaya nilingon ko ito. Nakashades ito habang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Chowking?”

Tanong ko sa kanya. Napakamot ito nang ulo napangiti ako nang malaki ng makita to. Wala akong nararamdamang ibang ambiance rather awkwardness ngayon. Parang wala na  sa akin yung ginawa niya dati.

Lumapit ako sa kanya para makipagbeso-beso na halatang ikinagulat nito. Siguro ito na rin ang araw na makapagpatawaran kaming dalawa at kalimutan ang mga nangyari.

“Who’s with ya?”

Tanong kong muli dito habang nakangiti. Tinaggal nito angg shades nito at isnakbit sa kanyang polo shirt na kulay blue.

“Ako lang. Ikaw sinong kasama mo?”

“Wala ako lang. Nabobored ako sa bahay hindi kasi ako sanay na walang ginagawa kaya ito ako ngayon nag wiwindow shopping.” Halata pa rin sa kanya ang pagkailang kaya naman ngumiti ako nang malaki  baka sakaling mawala iyon. “Mag-isa ka lang din? Oh tara samahan mo ako para namang wlaa tayong pinagsamahan.” Wait tama ba yung huli kong sinabi? I look at him pilit itong ngumiti sa akin. “ I mean is we’re friends before right? So Ano? Be my companion for today don’t worry wala naman akong gagawin sayo na ikaseselos ng asawa.”

Paga assure ko sa kanya.  Pilit na ngumiti ito at nilagay sa mga bulsa ang kamay. “Maybe this is the right time to explain what happened years ago?” tanong ko sa kanya. Ready na rin naman akong marinig iyon. For closure ba para parehas na kaming makapag focus sa kasalukuyan at kalimutan ang nakaraan ng maayos.

“Sure. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa. Hindi pa naman ako gutom pero kung treat mo why not? Hindi dapat tanggihan ang pagkain.”

Pumasok kami sa isang restaurant at agad na umupo sa pang dalawan. Umorder kami nang makakain at habang inaantay yon ay parehas lang kaming tahimik at nag-aantay kung anong sumunod na mangyayari.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon