“May problema ba?” niglang pasok ni Mama dito sa dining kaya napatahimik kaming lahat
“Wala naman po Tita wineWELCOME lang nila ako.” Sagot ni Hugo habang idiniin ang salitang welcome.
“Oh talaga? Mabuti naman mga kaclose na kaibigan yan ni Andy namin dati nung naandito pa siya sa Pilipinas magandang nagkakausap kayo at nakakapagbonding. Maya labas kayo may videoke akong inarkila darating din ang mga kaibigan mo Andy.” Patuloy ni Mama. Wait kaibigan? Kaibigan ko? darating? May kaibigan ba ako dito?
“Sinong KAIBIGAN Ma?” Tanong ko sa kanya.
“Sila January diba? Iniinvite ko sila sabi ko pumunta sila ngayon pa welcome celebration sayo.” So sila?
Oo noon tinuring ko siyang kaibigan pero nung ginawa niya sa akin iyon? Hindi ko na maituturing! Nawalan na ako ng ganang makipag ugnayan kay January noon kaya tuluyan na akong lumayo sa barkada na ginawa ko.
“Ah okay.” Walang ganang sagot ko sabay tingin kay Max.
Isinubo ko ang mga pagkain na nasa pinggan ko at agad na nginuya iyon. Tumahimik na lang ako hindi pinansin ang pang aasar ni Max. Yeah isang buwan lang ako dito aalis na ulit ako at hindi na muling babaalik.
Tiisin mo lang Andy! Usal ko sa sarili ko.
“Hugo katukin mo nalang ako sa kwarto ko pag may kailangan ka papahinga lang ako saglit sumasakit ang ulo.” Agad na akong tumayo at hindi na inantay na makasagot pa si Hugo sa akin.
Kakapasok ko palang ng kwarto ko at kahihiga ko pa lang ng ilang minute ay may kumatok na agad sa pintuan. Iniikot ko ang mga mata ko sa ere habang nakatingin sa kisame. Dahan-dahan akong tumayo para pagbuksan ang hinding tumitigil na pagkatok sa pinto ko.
“What?” iritableng tanong ko sa kanya bahagyang iniawang ko ang pinto kaya nakapasok ito sa loob. “Pwede ba lumabas ka baka mamaya may makakitang iba iba pa ang isipin.” Utos ko dito.
Imbis na pansinin ako ay nilibot niya ang kwarto ko ng tingin. “Kay Hugo hindi ka nag-aalala nab aka may makakita sa inyo at kung anong isipin pero sa akin nag-aalala ka. UNCLE mo ako Andy don’t forget that.” Pagdidiin niya habang nasa likod ang mga kamay.
Napatikhim ako sa sinabi niya at natameme dahil tama siya sadyang binibigyan ko ng malisya ang pagpasok niya. Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo habang nakakalimutan kong huminga dahil sa itsura niya. Nanlalambot kasi ang mga tuhod ko dahil sa lakas ng impact na sinabi niya “Ano bang kailangan mo?”
Hinarap niya ako at nagpamulsang nakatayo sa harapan ko. “Naiilang ka ba?” Tanong niya.
Umiwas ako ng tingin s amga titig niya dahil hindi ko kayang labanan iyon at baka mamatay na ako dahil sa hindi na ako humihinga sabayan pa ng puso kong ang bilis ng takbo. “Hinde.” Pagsisinungaling ko.
“Ganon bakit ka nagkukulong dito sa kwarto mo at hindi labasin ang iyong mga kaibigan lalo na si HUGO.” Napaangat ako ng tingin mula sa semento ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
Fiksi UmumPagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...