Why Can't It Be? 11

1K 11 0
                                    

Hindi naman talaga kami magbabar ni Hugo kakain lang kami ng dinner sa labas like duh! Wala akong dalang pamparty na damit ang susuotin ko lang bukas ay yung iniwanan ko sa kanya last time na natulog ako dito dahil sa tinatamad akong magbitbit. Siya pa ang naglaba non HAHAHA

“Ano Teh ngingiti-ngiti ka diyan?!”

“Hahaha tama yung payo mo sa akin asarin siya para malaman ko ang tunay niyang naramdaman sinabi ko sa kanya na magbabar tayo galit na galit siya sa akin. Kung ano-ano pa mga pinagsasasabi.”

“Sabi ko naman sayo eh. Ano tuloy na natin ang plano? “

“Oo Teh! Don ka sa amin mag Christmas.” Plano naming pagselosin si Yogi ay hindi pala namin kundi si Hugo lang Kaialngan daw namin gawin yon para maliwanagan ako kung may nararamdaman pa ba sa akin si Yogi o wala na. Natatakot man ako pero MAHAL KO parin SIYA hanggang ngayon.

“So Tara na. I’m hungry na.”

***

From: Y

I’m here now. Starbucks.

Nabasa ko ang message niya na kanina pa pala? Shit! Kagigising ko lang wag sanang traffic para hindi masyadong haggard sa akin. Agad na akong tumakbo papunta sa banyo at naligo lang ng mga sampung minuto.

Pagkalabas ko ay agad ko nang isinuot ang skinny jeans kong kulay brown at ang isang customized t-shirt na pinagawa naming magkakaibigan sa Australia. Isinuot ko na din ang keds kong sapatos na kulay pula. Saglit ko lang na binilower ang buhok ko at naglagay ng konti chuchu sa mukha ko para di makita ang malalalim kong mga mata dahil sa puyat kagabi.

Lumabas na agad ako ng kwarto pagkasakbit ng bag ko sa balikat ko. “Ano Te hindi nakatulog kaya late na gumising?” Bunagad agad sa akin ng nakangising si Hugo.

“Shut up! Alis na ako. Bye.”

“Hindi ka man lang magbebreakfast?”

“Hindi na. Late na ako doon na ako kakain.” Sabay halik at takbo palabas ng condo niya.

Tinupad nga ang hiling ko kanina na hindi ako matraffic este nasa gitna na pala ako ngayon ng traffic dito sa edsa. Kung minamalas nga naman ako oh! Hindi ko pa siya nirereplyan para hindi na ako magpaliwanag pa kung bakit ako nalate.

Ayan na nga tumatawag na siya ngayon. “manong matagal pa ba tayo? Late na po kasi ako.” Angal ko dito at sinagot ang tawag niya.

“Halo.”

“May balak ka bang siputin ako? Sabihin mo lang baka kasi mag antay na naman ako saw ala para lang akong tanga.” Halata sa boses nito na iritado na siya ngayon. Kasalanan ko bang mapuyat kagabi ng dahil sa kakaisip ko sa kanya?

“Sorry. I’m in the middle of traffic right now. Yeah sisiputin kita wait lang. Tell it to Ate Allison too.” Sabi ko dito agad na akong pinatayan ng cellphone ngayon. Shit galit na nga siya. Megad!

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon