“Ready?” Tanong ni Hugo ng makasakay ako sa sasakyan niyang dala, buti nalang hindi alam ni Mama ang itsura ng sasakyan ni Hugo dahil dalawa ang pagmamay-ari niya.
“Yes. Tara na baka makita pa tayo ni Mama.” Kinakabahan, natatakot at masaya ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan dahil ngayon lang ako sumuway sa gusto ni Mama at tumakas ng ganito, Natatakot dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa Manila at gagawin pag nalaman ni Mama ang ginawa ko at Masaya dahil makakasama ko na rin siya.
Habang nasa byahe kami, hindi ko mapigilan ang mag-isip. Kung tatanggapin niya ba ako pagkatapos ng nangyari? Kung ipaglalaban niya pa ba ako? Sino ang nasabi ng tungkol sa relasyon namin?
“Hugo?” Basag ko sa kanina pang katahimikan na bumabalot dito.
“Hmm?” Sagot niya habang nakatingin sa daan. Ngayon ko lang narealize na sayang pala siya, kung sana naging Straight Guy siya siguro sa kanya ko itutuon ang pansin ko at pag-aralan na mahalin siya.
“Promise me, kahit anong mangyari hindi mo ako makakalimutan.” Namutawi yon sa bibig ko na dapat ay itatanong ko ang tungkol kay Lila.
“Ano ka ba, oo naman no!” Irit niya.
“I mean is, kung sakaling hindi kami para sa isa’t-isa at ikaw ay hindi makatagpo ng lalaking magmamahal sayo pwede bang tayo nalang magsama habang-buhay? As in real couple?” Gusto kong batukan at masuka dahil sa mga pinagsasasabi ko.
“Seryoso ka The? Like ewww hindi tayo talo no.” Maarteng pananalita niya. Bahagyang, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa inasal niya. Minuto na naman ang lumipas sa pagitan naming dalawa. “Pero tama ka, kung walang para sayo at para sa akin bakit di tayo magsama forever? Why not diba? Ayoko din naman tumanda ng walang makakasama sa buhay at kahit nakakadiri pwede kitang buntisin.” Sabay arteng nasusuka siya.
“Matanong nga kita ni minsan ba hindi mo naisipan o nagkagusto sa babae?” Curious ako dahil matagal ko nang tanong ito pero hindi pa rin niya isinasagot.
“Nakailang tanong ka na sa akin niyan pero hindi ako sumasagot. Para naman matahimik ka na nagkaroon ako ng girlfriend noon at nagsex din kami pero parang wala sa akin at narealize ko na mas naaattract ako sa kapwa ko lalaki.” Seryoso na ang mukha niya ngayon habang nagddrive ditto sa SLEX.Bakit ba ito ang pinag-uusapan naming? At bakit ba natutuwa ang mga paro-paro ko sa tiyan ngayon habang kausap siya at makaasta ako na parang walang problema? “Seriously, Hugo, May alam ka ba kung bakit o paano nalaman nila Mama ang tunay na relasyon naming ni Yogi?” Atlast, naitanong ko na din sa kanya.
Nakatingin ako sa kanya habang nag-aantay ng sagot na alam kong wala naman akong mahihita dahil wala siya noon pero umaasa pa rin akong malaman. “Si Lila.” Maikling sagot niya.
Alam ko na siya ang may kagagawan non pero nagulat pa rin ako dahil hindi ko alam ang dahilan bakit niya ginawa yon? Noon pa man lagi na niyang sinisira ang relasyon ko sa kanila, mapakaibigan at mapaboyfriend ko.
“P-paano? H-hindi ko a-alam kung b-bakit?”
![](https://img.wattpad.com/cover/2045211-288-k961745.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
Fiction généralePagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...