Kahit nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ko ay nanakbo ako ng palabas dahil ayokong maabutan niya ako.
May humila ng braso ko na naman na agad kong ikinaharap sa kanya. “Baby, please makinig ka sa akin for once!” Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya pero hindi ko ininda dahil namamanhid na ang buo kong katawan.
SI Yogi ang lalaking pag nafufrustrate na ay hindi nalalamang nakakasakit na ng tao mapaphysical man o mapaemotional kaya minsan natatakot din ako pag nagagalit siya dahil baka saktan niya ako katulad ngayon.
“Nasasaktan ako, bitiwan mo ako.” Laking pasasalamat ko na walang masyadong tao dito ngayon dahil maaga pa naman at halos nasa trabaho ang lahat kaya ang Guard lang ang nakakakita sa sitwasyon namin ngayon.
“Pakinggan mo muna kasi ako bago ka dyan mag-iiyak.” Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya kaya agad ko siyang sinampal sa mukha.
“Wag na wag mo akong sasabihan ng ganyan dahil nung una palang sinira mo na ang tiwala ko.” Pagdidiin ko.
“Sino ba ang may kasalanan kung bakit ko nagawa yon? Diba ikaw ang umiwas dati? Pati putang-ina Andrea akala ko ba nakalimutan mo na ang nangyari noon pero hindi pala. WALA KA PA RIN PALANG TIWALA SA AKIN!” Hawak-hawak na niya ang balikat ko habang ramdam na ramdam ko ang daliri niya na akala mo bubutasin ang balat ko.
“Hindi ba ako nagkamali? So ano tong nakita ko kanina? Huh! Pwede ba, pagod na ako sayo at tama si Mama hindi nga tayo ang karapat-dapat sa isa’t-isa dun ka na kay Lila mo!” I slap his hands para makapawala ako sa kanya hindi naman ako nagkamali ulit kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, tumakbo ako papalabas ng Parking lot at pinara ang unang Taxi na nakita ko.
“Manong sa Makati po.” Alam kong nagtataka si Manong driver sa akin kung bakit ako umiiyak, anong magagawa ko sumakay ako sa Taxi ng walang pamasahe at walang gamit na dala. Anong ipmababayad ko sa kanya?
“Iha, okay ka lang ba?” Tanong ni Manong sa akin habang nakatingin sa salamin na nakaharap sa akin. Tumango ako sa kanya at pinahiran ng palad ang mga luha ko. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa tapat ng condo ni Hugo.
“Manong, pwede po bang pakiantay ako dito, kukuha lang ako ng pera hayaan niyo dadagdagan ko po ng tip yung bayad ko.” Pakiusap ko dito. Hindi ko na siya inantay na makasagot pa lumabas ako ng Taxi at pumasok sa Building upang tunguhin ang reception kung nasaan ang isang empleyado na nagtatrabaho.“Hi, Miss pwede bang pakitawagan ang Condo ni Hugo Zantemayor. Room 143” Sabi ko dito at lilingon-lingon sa labas para tignan si Manong Taxi driver kung nakaalis na. Agad namang pinindot ng babae ang Telepeno sa tabi niya at nagsalita ng may saumagot sa kanya. “Pakisabi naandito ako sa baba ng building and magdala siya ng pambayad sa Taxi.” Sumunod ko pa. Agad namang inulit ng babae ang sinabi ko kahit na alam kong nagtataka siya sa itsura ko ngayon at ginagawi ko.
Kinuskos ko ang palad ko sa mga braso ko habang inaantay si Hugo na pababa na daw at lalakad-lakad sa harapan ng reception area. Tumunog ang elevator kaya napaharap ako doon at tinignan kung nandon na ba si Hugo. Tama nga, naandito na siya ngayon at nagmamabilis naglakad papunta sa akin, tumakbo na rin ako sa kanya upang yumakap at di ko na pigillang humagulgol. “What happened?” nag-aalala niyang tanong. Humiwalay ako s apagkakayakap sa kanya at humarap dito habang pinapahiran ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
General FictionPagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...