Why Can't It Be? 16

875 8 2
                                    

Hindi ako makapaniwala na ang isa sa mga unang nakaalam sa aming dalawa at naging rason ng pakikipaghiwalay ko sa kanya ay ngayo’y isa nang sumusuporta sa relasyon namin. Meron pa ring pangamba akong nararamdaman na baka mamaya ay nagbabalat-kayo lamang siya at isumbong ako kay Mama.

No! wag kang magpaka nega Andrea. Pero ganito naman talaga ang buhay kahit matapang ka puro negative pa rin ang iniisip mo at hindi positive na pwedeng mangyari. Na habang palihim ang relasyon naming dalawa at palihim ang pagkikita namin may kasamang kaba at takot na pwede kaming mahuli.

Wala sila Mama, namamalengke daw sabi ng kapatid ko na naabutan ko sa sala kasama ang girlfriend nito. Minsan naiinggit din ako sa kanya na kahit bata pa siya legal ang pakikipagrelasyon niya sa babae sa Pamilya namin. Tanging aalalahanin lang niya na wag siyang makabuntis dahil teen ager pa siya pero ako na nasa tamang edad na hindi pwede.

Kung sana nakakapili lang ang puso ng taong mamahalin eh di sana’y hindi ko na siya pinili. Eh di sana’y hindi ako nainlove sa Tiyuhin kong maituturing.

Nahiga ako sa kama ko dahil na rin sa pagod na nararamdaman ko ngayon sabayan pa ng sari-saring emosyon na naranasan ko ngayong araw na to. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang forever? Yung wala banag kasunod sa huli na pighati?

Ramdam kong malapit na nilang malaman pero bago nila kami itakwil o paghiwalayin ay susulitin ko muna ang mga araw na kasama ko siya lalo na’t malapit na akong umalis muli ng bansa.

I’m torn kung hindi nab a ako tutuloy at mag stay dito sa bansa kasama siya o bumalik sa Australia kung saan ako nanahimik na matagal na panahon? Sana bigyan ako ng sign at masagot ang aking mga katanungan.

Nagmulat ako ng mata mula sa pagkakapikit kanina at kinuha ang bag kung nasaan ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at maraming miss calls na galing sa kanya at messages din. Isa-isa ko iyong binasa.

“Baby, where art tho? ”

“Baby, ba’t ayaw mong sagutin ang tawag ko? galit ka ba sa akin dahil sa kakulitan ko kanina?”

“Baby, please.”

I smile. Ang mga ganitong text ay nakakabakla para sa mga lalaki pero pag sa kanya galing parang ang lalaking lalaki lang tignan. Nireplyan ko siya.

"I’m not mad. Kakauwi ko lang. How’s your day?"

 

Tumayo ako para magpalit ng pambahay na damit at binuksan ang component at isinaksak ang mp2 ko doon para magpatutog ng kanta para naman mawala ang bigat ng nararamdaman ko at makalimot ng konti sa problema ko.

Pumainlanlang ang kantang I STILL BELIEVE IN LOVE sa ere habang hinuhubad ko ang damit ko.

After all the tears I've cried
You'd think I would give up on love
Get off this line
But maybe I might get it right this time

Yogi:

Pinag alala mo ako. Bakit kasi ayaw mong ihatid kita? I miss you so much. Sana kasama ulit kita at sana magkatabi tayo mamaya sa kama.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon