Hawak-kamay kaming lumabas na dalawa ni Yogi sa Pamana Restaurant tulala lang akong nakatingin sa mga kamay namin nagpapatangay ako sa kanya dahil hindi ko alam ang pupuntahan naming dalawa.
“Where do you think you’re going huh?” Napatigil kami sa pagsakay sa kotse dahil sa isang baritonong tinig na nanggaling sa likod namin.
“Ate!” Lumingon ako nakita ko ang kapatid kong si Angelo kasama niya sina Kuya Yogurt at Max. “Umuwi ka na daw sabi ni Mama.” Sumunod pa niya.
“Yogi iuwi mo na si Andrea kung ayaw mo pang mas gumulo. Nandon na din ang mga magulang niyo.” Si Max.
Iiling-iling ako habang umiiyak. “Tama si Kuya Max Ate kailangan mong umuwi nag-iiyak na si Mama don habang inaaway nila Tita.” Gatong pa ng kapatid ko. Ano ba ang kailangan kong gawin? Sabi ko ipaglalaban siya pero hearing that Mama’s crying and inaaway pa nila Tita parang gusto kong umuwi at ipagtanggol siya. Binalingan ko si Yogi na ngayon ay nakatingin lang din sa akin at ipinaparating ng kanyang mga mata na umalis kami dito.
Litong-lito na ako! Napahawak ako sa ulo ko habang sinasabunutan ang buhok ko ngayon. Ito na ba talaga ang araw na paghihiwalayin kaming dalawa? Bakit naman napakabilis ng pagsasama namin? Bakit hindi man lang pinahaba.
“You two, better go home para hindi na lumala pa ang sitwasyon.” Bumaling ako sa kanya kalmado lang siyang nakatingin sa amin habang nakapamulsa pa.
“Ikaw ba ang nagsabi?” Tanong ko. Tinanggal niya ang kamay sa pamulsahan at ngayon ay pinagekis iyon. Nakatitig siya sa akin ng MASAMA.
“Alam kong may pinag-usapan tayong dalawa kanina pero hindi ako MALISYOSO.” Pagdidiin niya “Para sabihin ko ‘yon hindi ko din alam na boyfriend mo pala ang gago kong kapatid. Kung gusto mong malaman kung sinong nagsumbong pwes umuwi ka na sa inyo.” Anya.
“Gago ka talaga ka Kuya! Alam ko ang pinag-usapan niyo kanina!” akmang susunggaban na niya si Kuya Yogurt ay buti nalang talaga hawak niya ang kamay ko.
“Pwede ba! Enough of this bullshit! Mahiya kayo nasa public place kayo ngayon Andrea wag kang mag-inarte dyan sumama ka na sa amin.” Binigyan ko si Max ng nakakamamatay na tingin. “Wag mo akong tignan ng ganyan ikaw din ang may kasalanan kung bakit nagakakagulo.” Lalaki ba talaga siya? Bakit ang sama niyang magsalita?
“Oo na ako na maarte! Kuya Yogurt sabayan mo na si Yogi at sumama ka din sa kanila Angelo pag nagkaaway ikaw na ang bahalang umawat tapos sasabay ako kay Max.”
“No Baby!” I looked at him yung mga mata niya namumula na. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ito ang oras para gawin iyon. Binigyan ko siya ng nakikiusap na tingin pero hindi niya makuha iyon. “Kung uuwi ka ako ang maghahatid sayo sa inyo at haharapin ko sila.” Umiling-iling ko. Binaling niya ang tingin kalaMax at Kuya Yogurt “Kung natatakot kayong iatatakas ko siya sige isasabay namin si Angelo at kami mauuna sa inyo at sundan niyo kami.”
Hindi na ako nakaangal pa. Iginiya niya ako papasok sa passenger seat habang siya naman ay umikotpapuntang driver seat at si Angelo na ngayon ay nasa likod namin. Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilan ang luha ko habang nag-iisip ng kung anong mangyayari mamaya? Kung paaano ako magpapaliwanag? Kung paano ako aamin? Kung paano ko sila haharapin?
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)
General FictionPagpasensyahan niyo po ang BOOK 1 isinulat ko pa yon nung jeje days ko pa at hanggang ngayon hindi ko pa ineedit dahil sa tinatamad ako. hihihi Enjoy Reading :)) *** MAHAL KO SIYA pero alam kong "MALI SIYANG MAHALIN" anong gagawin ko? Paninindigan...