Why Can't It Be? 24

909 7 1
                                    

“Are you sure hindi mo tatawagan ang Mama mo before you leave?” Tanong ni Ate Allison sa akin. Nagpasya akong makipagkita sa kanya para magpaalam at magpasalamat a ginawa niya sa akin. Nakwento din niya sa akin kung ano ang reaksyon ni Mama ng makitang wala na ako sa Hospital at ang galit nito sa amin ni Hugo na idinamay niya sa hindi namin pagkakaunawaan.

“Hindi na muna, alam kong malaki pa ang sama ng loob niya sa akin siguro tatawagan ko nalang siya pag nasa Australia na ako at okay na ako.” Mapait kong sagot sa kanya. Nasa sasakyan kami papuntang NAIA dahil ito na ang araw nang alis ko.

Kahapon lang,   pinakiusapan ko si Hugo na ibili ako ng Ticket papuntang Aussie ura-urada siyang bumili ng ticket namin at kinabukasan ay nakabili na kami at ngayon nga ang alis namin. Wala akong naririnig na tungkol sa kanya o kahit magtanong kay Ate Allison dahil hindi pa ako handang pag-usapan siya.

“Kailan ang balik mo?”

Kailan ako babalik? Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito at hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ang mga nangyari dito. Siguro, tama na rin na doon ako mag stay for good at least kahit papaano maigugugol ko ang sarili ko sa trabaho.

“Hindi ko din alam. Maybe, if I al;ready move on or not going back here anymore ans stay there for good. “ Sa ginawa kong gulo hindi ko alam kung paano ko pa ba maayos ang mga yon. Hindi ko nga alam kung tatanggapin pa ako ng Mama ko at ituring niyang anak.

“Paano kami?” lumingon ako sa kanya mula sa pagkakatingin ko sa labas ng bintana na puro sasakyan din.  Ngumiti ako sa kanya at hinanap ang kamay niya para hawakan iyon.

“Hindi ko naman kayo kalilimutan eh, kailangan ko lang ng oras at panahon para makabangon ulit ako.”  Tumulo ang mga luha ni Ate Allison at agad akong niyakap.

“Promise, hindi mo kami makakalimutan lalo na ako huh alalahanin mo may inaanak ka ditong naiwan na kailangan ng pamasko at pabirthday na galing sayo.”

“Ang ganda na nang tagpo tapos babanatan mo ako niyan. Ate Allison, favor naman oh, pwede bang doon muna kayo mag New Year kala Mama para naman hindi sila maakward at malungkot sa araw na yon.”  Alam ko ang mangyayari sa kanila dahil kilala ko sila Mama, nagpapakita lang na malakas sila pero sa loob ay nalulungkot din na kagaya ko.

“Ano ka ba, kahit hindi mo sabihin gagawin ko yon kasama ni Hubby ko.”

May umubo sa gitna ng usapan na agad naming ikinatigil ni Ate Allison. “Andrea we’re here. Ready?” Tanong ni Hugo. Ibinaba niya ang mga maleta namin.

“Ingat ka huh! “ Palala ko kay Ate Allison. “Pstt, ingatan mo si Ate Allison pag niloko mo to maghihiram ka sa unggoy ng mukha.” Banta ko boyfriend niya na naging driver namin.



“Ikaw ang mag-ingat, wag mong kakalimutan na tumawag sa akin pagdating mo doon.” Lumabas kami ng sasakyan at mahigpit ko siyang niyakap. “Mamimiss kita kahit nag-aaway tayo ng mga bata pa tayo. Don’t forget that whatever happens, Ate Allison, will always be here for you.” Bulong niya sa tenga ko. Yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay hindi na nagpaawat at naglandas na sa mukha ko.

Forbidden Love (BOOK 1 and BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon