CHAPTER 13

44 5 0
                                    

Younnah

Friday

Ayos walang pasok bukas. Kaso may marami pa akong aasikasuhin,malapit na din namin yun ipresent yung contemporary dance at sa totoo lang kinakabahan ako pero ewan ko ba dito kay Suga kung bakit parang hindi man lang to kinakabahan. Actually­ natapos na namin yung mga steppings and stunts at kailangan nalang ng kunting linis. Sa tingin ko naman hindi kami mapapahiya dito.

Friday

O_O

It means....

Ibig sabihin ngayong Monday na babalik si Jin. Ewan ko pero excited na ako,kung pwede lang bilisan ang oras gagawin ko. Nasa room na kami pero bat wala pa si Suga? Eh lage naman yung nauuna sakin dito.

Umabsent kase si Erica kaya wala akong katabi ngayon.

Nag start ng mag discuss ang prof namin pero kataka takang walang Seaweeds ngayon.

Nakakapanibago.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Tumingin kaming lahat doon at nakita si Suga.

"I'm sorry I'm late" ayan na ang blankong ekspresyon ng mukha niya.

"Its ok proceedto your seat now."

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at rinig ko ang paghahabol niya ng hininga.

"Bat ngayon ka lang?"

"Its none of your business" natigilan ako sa sagot niya.

Wow

"Sungit" napairap ako sa inis!

Nagtatanong lang naman ako. Nakakainis.

Pagkatapos ng first at second subject ay ayun na ang PE class namin so it means makakasama ko naman tong lalaking to. Nagpraktis kami pero wala akong gana at sa tingin ko siya rin dahil pansin ko ang pagiging matamlay niyang sumayaw.

May dalaw ba tong lalaking to? Anyare sa kanya?

Nang magsilabasan na ang mga kaklase namin at kami na lang dalawa sa practiced room binanatan ko na siya.

"Hoy Suga ano bang nangyayari sayo?! Umayos ka nga diyan!"

"Calm down. Bukas nalang tayo magpractice ng maayos. Wala ako sa mood ngayon"

Halata nga

"Tuesday na natin to iprepresent FYI."

"I know. Palibhasa kase..."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Palibhasa ano?"

"Di mo rin naman ako maintindihan" tumayo siya at umalis nalang bigla.

Aligaga ko siyang sinundan "Suga bumalik ka nga dito! Huwag mo ngang dalhin dito yang masamang ugali mo sa bahay,! Kung sinospoil ka ng mama mo--

"Di moko kilala" natigilan ako dahil matalim na tingin niya sakin. "Kaya wag kang makasermon ng ganyan. Palibhasa kase kumpleto ang magulang mo. At FYI hindi ako sinospoil ng mama ko, dahil matagal na siyang wala sa buhay ko kaya shame on you kung baka ikaw yung spoiled dito"

Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Mabilis kong pinigilan ang sarili ko. No way. Hindi ako magsasayang ng luha sa lalaking tulad niya.

"Yes I may not know you..." I cant believe na magiging garalgal ang dating nun.  "Pero hindi mo rin ako kilala.  And for prior knowIedge? Matagal ng patay ang mama ko"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon