CHAPTER 17

49 9 0
                                    

Nanatili muna sila ng ilang minuto sa bahay nila Namjoon. Magkatabi sila Jin at Younnah, Erica at Cyra habang nasa magkabilang sofa naman sila Suga at Jungkook at Jimin.

"Malaki pala tong bahay nila no?"

"Hmm mayaman kaseh yun" bulong ni Jin sa kanya.


"Everything's ready! Tara na guys punta na tayo sa beach resort namin."

"YEY!"

Dalawang sasakyan ang ginamit kase hindi sila kasya sa iisang kotse. Kotse ni Namjoon at Suga ang ginamit habang sila Jin, Younnah at ang mga kaibigan nito ay nasa sasakyan ni Suga.

Nang makarating na sila dun ay napamangha sila sa nakita nito. Napakaganda ng resort at talagang pribado ito. Kunti lang ang tao at napakahangin pa at sinabayan pa ng magandang panahon.

"Tara sa cottage dun. Pinareserve ko na kahapon yun. Ilagay natin ang mga to doon"

"Happy birthday Joonie!" biglang tumalon sa likod ni Namjoon si Taehyung

"Wahhh gandaaaa" takbo ni Jimin doon

"Younnahhhhh!  ganda dito!" si Cyra

"Hmm nakikita ko naman"

"Ang tahimik mo ah! Sulit naman pala pagdadrama natin sa papa mo" sagi ni Erica dito

Hapon na pero maliwanag parin ang sikat ng araw dun. Halos silang lahat ay naligo na at parang mga bata na nakikipagbasaan ng tubig sa isat-isa

"Younnah!! Halika na!" kaway ng mga kaibigan niya.

"Mamaya!"


Pero ang totoo niyan ayaw niya talagang maligo. Mas gusto niya pa kaseng manood nalang sa kanila. Naka plain t-shirt siya na white at nakashort ng maiksi at may scarf na nakapalupot sa kanya.

Wala si Jin doon dahil nagpresenta siyang magluto ng makakain nila mamaya.

Habang naglalakad si Younnah doon nakita niya si Suga na nakaupo lang sa buhangin at mag isa. Nilapitan niya ito at tumabi na hindi man lang natinag sa presensya niya.

"Hindi ka ba pupunta dun? Naliligo na yung mga kaibigan mo"

"Ikaw ngabat di ka pa maligo dun?Nandun din mga kaibigan mo"

"Inulit mo lang sinabi ko eh"

Tumingin sa kanya si Suga. "Pambata lang yan"

Tumawa si Younnah. "Bakit hindi na ba pwedeng maligo sa dagat ang matanda?"

"Hindi ako matanda no"

"Wala naman akong sinabing matanda ka noh haha"

"Nanggugulo ka umalis ka nga"

"Alam mo nandito tayo para magsaya pero ang sungit mo"

"Ganito ako magsaya Younnah nasa utak ko lahat ginagana"

"Wow" napamaang si Younnah at tumawa.

"Tsaka yang suot mo..."

"B-Bakit anong problema mo sa suot ko?"

"Babae ka ba talaga?"

Kumunot ang noo niya. "May boobs ako tinatanong mo pa ba yun?!"

Tumawa si Suga at tumayo. "Nasa beach tayo tapos parang nasa bahay ka lang"

Tinulak niya si Suga at muntik na itong ma out of balanced.

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon