CHAPTER 34

44 4 0
                                    

YOUNNAH'S POV

"Younnah sigurado ka bang ayos ka na?"

"Hmm" tipid na tango ko kay Erica. "Si Jin?"

"Ayun hinahanap ni Suga" natigilan ako. "Sobrang nag-alala kami sayo akala namin napano ka na. Diba magkasama naman kayo kanina ni Jin?"

Napayuko ako at nilaro ang mga daliri na nasa binti ko. Hindi parin ganun kaayos ang pakiramdam ko dahil sa biglang pagpapanic attack. Sa lahat ng mga tao dun...... isang nakamascot lang ang nagligtas sakin. Napapikit ako. Buti nalang dumating siya sa mga oras na yun.

"Hindi pa sumasagot sa tawag si Suga-hyung" lumapit samin si Jimin. "Kumusta ang pakiramdam mo Younnah?" tinitigan ko lang siya. Hindi ko pa kayang magsalita.

Sa pagkakaalam ko ay nasa labas na kami at pinaupo nila ako sa likod ng sasakyan. Nasa di kalayuan ang mga kaibigan nila na abala sa hawak na cellphone.

"Oh si Suga!"

Mabilis kong hinanap ng tingin si Suga at nakitang magkasama na sila ni Jin. Nanikip ulit ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto kong maiyak. Ang totoo niyan.....nalilito ako. Nalilito ako kung kanino nga ba ako ganito. Kung para kanino nga ba ang pakiramdam na 'to. Sa halip ay nag-iwas ako ng tingin at napayuko sa basong kanina ko pa hinahawakan.

"Jin!" patakbong lumapit sina Erica sa kanila. Nanatili akong nakaupo. Nang lingunin ko ulit sila ay kinabahan ako nang papalapit sakin si Suga.

"S-Suga...." nangilid ang mata ko. Mabilis akong nag-iwas at yumuko.

"Ayos ka lang?" mahihimigan ang pag-aalala sa boses niya. Pinilit kong ngumiti at tumango. Hindi ako makapagsalita ng maayos.

Napalingon ako nang tawagin ako ni Jin. Nag-aalala siyang lumapit sakin at mahigpit akong niyakap. Napapikit ako at tinapik siya sa likuran.

"I'm sorry Younnah...I'm really sorry" napatango lang ako at pinakatitigan ko siya nang maglayo kaming dalawa. "Younnah"

"B-Bakit nawala ka?"

Pumikit siya. "I'm sorry...hindi ko sinasadya"

"Umalis ka? Saan ka nagpunta?" gusto ko talagang itanong yun. Gusto kong intindihin siya kaysa magalit sa kanya.

"Younnah...." pero hindi niya kayang sagutin yun. Nag-iwas ako ng tingin.

"N-Nakita ko s-siya" mabilis ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatanong na tingin.


"Pareho kayong di ok sa mga hitsura niyo. I think kailangan na nating umuwi lahat."



"Nagtext sakin ang papa mo...bakit mo daw di sinasagot ang tawag" nilingon ko si Cyra. "H-Hindi ko sinabi"

Nasa loob kami ng sasakyan at pauwi na nga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita ngang madaming missed call galing kay papa.

"Younnah!" napapikit ako sa malakas na boses niya. "Anong nangyayari sayo?"

"Sorry po...h-hindi ko po napansin ang tawag niyo"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Umuwi ka na"

"Pauwi na po" mahinang sabi ko at binaba niya.

Pagkatapos kong magpaliwanag kay papa ay dumiretso nako sa banyo sa kwarto para maligo. Umupo ako sa gilid ng kama habang pinapatuyo ang buhok ko.

Sino Jin...sino ba nakita mo?

Mababasa sa mga mata niya ang gulat at takot. Hindi ko naman siya maintindihan. Ngayon ko lang siyang nakitang ganun. Hindi kaya dahil pinilit namin siya kahit alam naman naming matatakutin siya?

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon