CHAPTER 58

36 4 0
                                    

YOUNNAH'S POV

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nangyari...di ko akalaing magagawa yun ni Suga. Siya ba talaga ang kumuha nun? Bat ngayon lang niya inamin? Bat sa graduation pa?

Pinuntahan ko ang Dean pagkatapos ng graduation at sinabi niya sakin ang totoo. Sinabi niya rin sakin kung pano pagalitan si Suga dahil sa nagawa niya. Ayokong maniwala...pati rin ang mga kaibigan niya hindi rin makapaniwala.



"Do you think he can do that?"

"Hindi namin alam Namjoon. Sa pagkakakilala natin sa kanya...hindi niya magagawa yun"

Napayuko ako habang nag-uusap ang mga kaibigan niya. Napapikit ako. Ni hindi man lang namin sila naabutan.

"Sa tingin mo ba pinapagalitan pari yun ngayon?"

"Kung dito nga pinahiya na siya pano pa kung sila na lang?"

"Sinubukan niyo ba siyang tawagan?"

"Natatakot kami eh"

"Nandito ang papa niya...nandito rin yung malaking taong kasama niya-- sino nga ulit yun?"

"Ti Nu Sok"

"Gago hahaha"


Sa kabila ng mga nangyayari nagawa parin nilang tawanan ang sitwasyon. Hindi lang naman ako  ang nag-iisip, alam kong pati na rin sila.



"Pagagalitan yun panigurado. Sino ba namang matutuwa sa nangyari diba?"

Tama....sino nga bang matutuwa sa nangyari. Pero sa nakita ko kanina para atang ginusto pa niya ang nangyari.

"Younnah!"

Napalingon silang lahat sa parating na si Vanjie.

"Hi" hinarangan agad ni Taehyung ito.

Nakita ko ang gulat ni Vanjie dito at halatang naiilang pero ngumiti rin. "H-Hello?" nilampasan siya nito para puntahan ako. "Umuwi na daw tayo sabi ni mama"

"S-Sige..." nilingon ko sila. "K-Kailangan na naming bumalik ng hospital. Kayo na lang ang magcelebrate ha. Congrats satin" ngiti ko bago nilingon sina Erica, Cyra at Jin.

"Ayos lang Younnah...mas kailangan ka ng papa mo ngayon. I'm sure matutuwa ang papa mo sa balita" ngiti ni Cyra. Pinilit kong ngumiti at tinanguan siya.

"Congratulations again Younnah" bati ulit sakin ni Namjoon pati na rin ang mga kaibigan niya. Ngumiti ako.

"Bye Vanjie" nakangusong kumaway si Taehyung. Nagugulahan naman akong nilingon ng pinsan ko.

"Kilala niya ko?"

"Ahhh nabanggit ko lang ang pangalan mo sa kanila kanina"

Nagtaka ako nang para bang kiniliti siya bigla at siniko pako ng mahina sa tagiliran. "In fairness sobrang gwapo!" kinikilig na bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Habang nasa biyahe ay kinukulit ako ng pinsan kong ipakilala siya sa mga lalaking kaibigan ko. Lalo na kay Taehyung.

"Vanjie naririndi na yang pinsan mo sayo" kapagkuway nagsalita rin sa wakas si ante.

"Ayyyy" nakangusong umayos na siya ng upo sa tabi ko. Natatawang umiling ako habang nakatingin sa bintana.









Kumusta kaya siya ngayon.










Ganun kabilis nilamon ako ng pag-iisip sa posibleng nangyayari ngayon sa kanya. Panigurado ngang galit na galit ngayon ang pamilya niya. Makikita ko pa kaya siya?

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon