CHAPTER 75

34 3 0
                                    

HYUN MIN'S POV

"Good morning!" masiglang bati ko kay Jin nang pumasok siya dito sa kusina. Ensakto kakatapos ko lang din lutuin ang breakfast niya.

"Good morning" hindi ko na dinamdam pa ang walang kaemosyong bati nito. Ngumiti parin ako at initindi na kakagising lang niya. "Anong ginagawa mo?"

"Uh..." nangingiti kong pinasadahan ang mga nakahanda na sa lamesa. "I cook breakfast for you"

"Hmm?"

"Y-Yes" nakagat ko ang labi nang manginig yun.

"Ako dapat ang nagluluto" nakamot niya ang ulo at tsaka bumuntong hininga. Nailang naman ako nang pasadahan niya ako ng tingin. Nakasuot pa ko ng apron at madumi na yun. Mabilis kong tinago ang isang kamay ko sa likuran nang mangunot ang noo niya dun.

"Nasugatan ka?"

"Uh..." nag-iwas ako ng tingin at masiglang ngumiti. "Part of cooking!"

"Yeah nagluluto rin ako pero hindi ako nasusugatan tsk" kinabahan ako nang lumapit siya. "Patingin"

Napatitig ako sa mukha niya. He's serious and calm but why I'm being so nervous?

Gusto kong mahiya dahil nanginig yun nang ilahad ko sa kanya ang isang kamay ko. Nag-iwas ako ng tingin nang hawakan at titigan niya yun.

"Bat di mo pa to nilagyan ng bandage?" bigla na lang nag-abot ang tingin namin. Ayun na naman ang kaba ko. Mabilis akong nagbaba ng tingin nang bitawan niya ang kamay ko. "Sige na baka ma-infect yan"

"O-Ok"

"Nasan si Manang?" hinanap ko agad siya at nakaupo na.

"Uh--

"Ikaw nagluto lahat?"

Napalunok ako. "I-I told her na ako na muna ang gagawa ng b-breakfast m-mo. S-Sorry" nagbaba ako ng tingin at napapikit nang marinig na naman ang buntong hininga niya.

"Samahan mo ko"

Matapos ang katahimikan ng ilang minuto ay nagsalita siya. Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam ko ngayon. Tuliro akong umupo sa tapat niya at napatingin sa mga niluto ko. Sana naman pumasa to sa kanya.

"Kumain ka na" siya pa ang naglahad ng kamay para makakain ako. Napalunok ako at tumango. Palihim akong tumitig sa kanya at napansin ang paghilot niya sa sintedo. "Hangover" mabilis kong inalis ang paningin sa kanya nang mapansin niya ako at sabihin niya yun.

Tulog na ko nang makauwi siya kagabi. Ang paalam niya kahapon ay pupunta siya sa bahay ng kaibigan niya.

Sana gumawa pala ako nang pampawala ng hangover.

Kumain na lang din ako habang nagnanakaw ng tingin paminsan minsan sa kanya habang kumakain din.

"Nag-uusap pa ba kayo ni Joy?"

Nabitawan ko ang hawak at napaangat ng tingin sa kanya. Hinihilot parin niya ang sintedo at noo nito tsaka ako matamang tinitigan.

"H-Hindi na" nagbaba ako ng tingin.

"Hmm" ngumiwi siya at bumuntong hininga.

"May ginawa ba siya s-sayo?"

"Hindi sakin tsk...kay Suga" pumikit siya at nagulat ako nang yumuko siya sa harapan ng pagkain niya. Umayos siya ng upo at sinamaan ako ng tingin kaya kinabahan ako. "Hindi ko na talaga maintindihan ang ugali ng kapatid mo"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon