CHAPTER 57

36 4 0
                                    


JIN'S POV

Gaya ng madalas mangyari ay hindi nakarating si papa dito. Nacancel ang flight niya dapat kahapon dahil sa emergency meeting nila. Buti na lang nakarating si mama.Siguro mabuti na yun dahil ayokong magkita sila ng Hyun Seok na yun.

Habang nakikinig sa pagsasalita ng Dean ay naglibot libot ako ng tingin sa mga taong nasa taas. Ayun si mama at nakangiti nang kumakaway sakin. Kumaway rin ako at ngumiti ng pagkagwapo nang picturan niya ko. Natawa ako nang makita ang iilang babaeng kumakaway rin sakin. Yun yung nagpafan club sakin...sa pagkakaalala ko sa nasabi ni Younnah noon.

"Let's now welcome our guest speaker...Mr. Shin Hyun Seok. Around of applause please"

So siya pala ang guest speaker huh? Psh.

"Woy Jin anong problema mo?" nilingon ko si Erica sa tabi ko. "Ano bang binubulong bulong mo diyan ha?" tawa niya.

"Wala" tinitigan ko ulit si Hyun Seok. "Ayoko lang sa kanya"

"Wow ha.." tawa niya. Umiling ako.

Matapos nang kung ano-ano pang pagsasalita ay sabay kaming tumayo para ilipat ang tassel ng cap namin mula sa kanan palipat sa kaliwa. Umugong ang malakas na palakpakan ng official nang inanunsyo na graduate na kami.

Mabilis na bumaba si eomma nang kami na ang sumunod na tumayo para sa pag-akyat ng stage mamaya. Bitbit ang kanyang camera ay pinicturan na naman niya ako bigla. Napanguso ako nang tumatawa siyang tignan ang mukha ko.

"Kim Seokjin"

Nakangiti akong umakyat kasama si mama nang tawagin ang pangalan ko. Sobrang ganda ng ngiti ni mama habang nakikipagkamayan sa mga official ng school sa stage. Nakangiti ko namang tinanggap ang diploma at medalya at isinabit yun kay mama imbes sakin. Natawa ako nang makitang maiiyak siya sa biglang ginawa ko pero imbes na maapektuhan ay humagalpak ako ng tawa at inakbayan siya. Nakangiti kami pareho habang nakatingin naman ngayon sa photographer sa baba.

Napangiti ako nang makitang nakangiti si Younnah sakin. Kinindatan ko siya kaya natigilan siya haha. Panay ang sulyap ko kung saan-saan at ganun na lang kabilis nawala ang ngiti ko nang sa ganun kabilis na segundo ay nakita ko sa mga tao si Hyun Min.

Naramdaman ko na lang bigla ang paghila sakin ni eomma pababa. Sinulyapan ko ulit kung saang banda ko yun nakita pero hindi ko na yun makita. Pati ba naman sa Graduation mumultuhin ako?

YOUNNAH'S POV

This is it now.

Tumayo na kami ni Suga para dugtungan ang linya ng mga Cum Laude.

"Prepare your speech Younnah" bigla nalang akong inunahan ng linya ni Suga.

Nagtataka ko siyang hinawakan sa braso. "Pero diba ang sabi mo kahapon nasa unahan mo ko?"

Nagulat ako nang umiling siya. "Ako ang mauuna"

"Suga?" seryoso ba siya bakit ngayon lang niya sinabi. "Pero panghuli ang Suma" mahinang sabi ko. Gusto kong maging kalmado pero parang aatakihin ako ng nervous bigla. "Hey?"

Hindi ko inaasahang ngingiti siya bago ako talikuran. Napalingon lingon ako sa mga kaibigan ko na pinagtaka rin ang pagpapalit namin ng pwesto. Tama naman ako diba? Siya dapat ang nasa pinakahuli dahil siya naman talaga ang Suma!

Bago ko pa siya mahawakan sa braso ay nakaakyat na siya sa taas ng stage. Ni hindi man lang niya inantay ang papa niyang nagtatakang nakatingin sakin. Yumuko ako pero hindi niya ko pinansin at basta nalang din umakyat ng stage.

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon