CHAPTER 38

50 4 0
                                    

YOUNNAH'S POV

Rinig na rinig ko ang pagkalabog ng dibdib ko sa sobrang kaba nang makababa ako ng taxi. Nakakunot kong binasa ang restaurant at mukhang heto na nga yung address na binigay niya. Sa ganitong oras di ba dapat nasa condo siya para magcelebrate? Nakangiti akong binati ng waiter nang pagbuksan niya ako. Grabe ang yaman naman ata ng dating dito.

Napatalon ako nang magvibrate ang hawak kong cellphone at siya na nga yun. Napapikit kong sinagot yun at nainis nang marinig ang tawa niya! "Magpakita ka wag mokong tawanan"

"Babaeng babae huh?" natigilan ako! At pinasadahan ulit ang suot ko. "Ang cute mo"

"Pinagtitripan mo ba ko?" nakakainis!

"Hindi" batid kong nakangisi talaga siya. Hinanap ko agad kung saan-saan ang kulay green na buhok niya at natigilan ako nang sa wakas ay nakita ko yun at nakangiting nakatingin pala siya sakin. Sa sobrang inis ko hindi ko siya nilapitan at lumabas nalang.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng may humawak ng kamay ko at si Suga yun.

"What?!" tumaas ang boses ko.

"Y-Younnah..."

Napapahiya kong kinuha ang tissue at pinunasan ang mukha ko sa mismong harapan niya. Gusto kong malaman niya na isa sa pinakaayaw ko ay ang pagtawanan ako! Pero nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko bago ko pa tanggalin ang lipstick sa labi ko.

"I'm sorry" binaba niya ang braso ko at kinuha ang hawak kong tissue gamit ang isa niyang kamay. Sa sobrang inis ay naluluha ako. Nag-iwas ako ng tingin
"Hindi ako nangtitrip sayo ok?" mariin akong napapikit.

Inis ko parin siyang hinarap. "Para saan tong pagkikita natin Suga ha?"

Nakipagtitigan siya at nilabanan ko yun at sa huli siya na mismo ang unang nag-iwas.

"Wala kang sasabihin? Alam mo kung pinapunta mo lang ako dito para sirain ang pasko ko dapat di na ako pumunta dito" tinalikuran ko na siya pero bigla niya ulit hinawakan ang braso ko at mas mahigpit na yun. Nagugulat ko siyang tinitigan.

"P-Please stay" mas nagulat ako nang sabihin niya yun na gumaralgal ang boses. "I-Im serious"

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang nakahawak sakin. Ako na mismo ang dahan-dahang nagtanggal nun.

"What do you want from me?" mas mahinahon ko nang sabi.

"I want you....." nagulat ako. "to stay for 20 minutes"

"B-Bakit?" di ako makapaniwala sa sinabi niya. "S-Suga?"

Umiling iling siya bago napabuntong-hininga. Yumuko siya na para bang nag-iisip pa bago niya ako hinarap ulit.

"G-Gusto kitang makita ngayong pasko.... bago ako umuwi ng K-Korea"

Hindi ako nakasagot.

"Younnah..."

Pero bakit?

"G-Ganun b-ba?" pekeng ngiti ko habang nangangapa ng kung anong dahilan niya bakit gusto niya akong makita. Mas naging matunog ang pagbuntong hininga niya habang nakatingin sakin.

"Can you stay for me?" natigilan na naman ako sa sinabi niya.

Napayuko ako at nag-isip kung bakit niya ko gustong makasama. Sa huli ay tumango-tango nalang ako. "20 minutes"

"20 minutes" ulit niya sa sinabi ko. Nakangiting tumango. "Sorry kanina"

Napanguso ako. "Don't mess with me seaweeds"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon