CHAPTER 33

48 5 0
                                    

HALLOWEEN PARTY

Nakasuot si Younnah ng witch attire habang si Erica ay nakasuot ng white lady at Cyra bilang loody nurse. Pagkatapos ng Horror booth nila kanina ay nagsiuwian muna sila at nagdecide na magkitakita nalang sa loob ng event.

"Sigurado ba kayong ayos lang tong damit ko para ata akong matandang grasa nito"

"Alam mo kanina ka pa Erica hahaha" tawa ni Cyra. Kanina pa kase conscious si Erica sa suot niya.

"Naman eh baka pagtawanan nila ako nito" nguso ni Erica habang inaayos ang nagkagulong buhok niya. "Ano na Younnah? Nasan na daw sila?"

"Ha? uhm nasa labas na daw sila"

"Gosh!" kuha ni Erica sa maliit na salamin nito habang inaayos ang make-up.

Naagaw ang buong atensyon ng mga tao nang pumasok ang anim na lalaki. Naging usap-usapan agad sila.

"Ang lalakas ng d-dating..." napanganga si Erica.

Si Jin ay nakasuot ng Captain Jack Sparrow ng Pirates of the Carribean costume.

Si Hoseok ay naka Henri 'Papillon' Charriere

Si Namjoon ay naka Dracula attire.

Si Jimin ay naka Charlie Chaplain ng The Circus.

Si Taehyung bilang Joker habang si Jungkook naman ay si Bleach.

"Ang gagwapo parin...." natulala si Erica.

"Hey girls!" bati agad ni Namjoon nang makalapit sa kanila. "You look good"

"Hi Mr. Dracula!" ngiti ni Erica. "Wow Jungkook bagay na bagay sayo!"

"Thanks" he said plainly.

Napanguso si Erica. "Wala pa si Suga?" tanong niya. "Bat di kayo magkasama?"

"Tinawagan mo na?" lingon ni Namjoon kay Jin.

"Oo baka natagalan lang sa costume"

"Baka naligaw?" inosenteng tanong ni Taehyung.

"Oh ayan na!" nilingon nila si Jungkook at sabay-sabay nilingon ang tinitignan nila.

"Nasan diyan? yung naka mascot?!" gulat ni Erica.

Naibuga ni Taehyung ang juice na iniinom niya nang lumapit sa kanila si Suga. Buti ay sa ibang direksyon niya yun nabuga na pinandirian naman ni Jimin.

"Anong nakain niya at nagsuot siya ng mascot sa Halloween party?" natatawang bulong ni Younnah habang nakatingin sa paparating.

Huminto sa harapan nila ang naka mascot at tumahimik sila--nagpipigil ng tawa. Hinubad ni Suga ang ulo ng mascot niya at sinimangutan agad sila. Naiinis niyang nilingon ang mga tao na tumitingin sa kanya bago niya tapunan ng nakakainis na tingin si Younnah.

"Bat ganyan kayo makatingin?"

"Ang cool" palakpak ni Taehyung. "Kumamon in the house!"

"Psh" padabog niyang ipinatong ang ulo ng mascot sa table. "Wala akong makitang ibang costume sa condo ko"

"Hyung baka ikaw tanghaling best costume niyan haha!"

"Ang sabihin mo worst costume"

"Tama na yan" ngiti ni Jin. "Ayos lang naman yan"

"Sayaw muna kami ni Cyra dun" paalam ni Jimin at hinila si Cyra palayo.

Nagpaalam ang mga kaibigan nila at pumunta sa kanya-kanyang pwesto sa gitna ng spotlight. Malakas ang tutog at sobrang hype ng mga tao. Kahit hindi kilala ay nakikisama din sa kanila.

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon