CHAPTER 70

25 4 0
                                    

YOUNNAH'S POV

Ano na kayang nangyayari sa loob? Ang akala ko pa naman ay masasamahan ko siya pero heto ako ngayon sa labas. Sa mga guards palang ay sobrang intimidating na.

Napaangat ako ng tingin sa building. Ganun sila kayaman Younnah. Sinabi nga ni Joy noon na may mga pagmamay-ari pa silang mga restaurants.

"Iha?"

Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. May katandaan na ito at natatandaan ko ang mukha niya. Nagulat ako dahil wala siyang kasama.

"Kayo po yung mama ni Suga diba?" nakangiti siyang tumango kaya mabilis akong yumuko sa kanya. "H-Hello po!" nanginig ang boses ko. Umayos ako ng tayo at nakita ang magandang ngiti niya.

"Ikaw siguro si Joy tama ba?"

"Po?" nagulat ako.

"Maganda ka nga" ngiti niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Uhm hindi po ko si Joy" pahina ng pahina ang boses ko at nagbaba ng tingin.

"Sorry iha--

"Ayos lang po" naiilang na ngiti ko.

"Nakita kase kitang kasama ang anak ko. Nabanggit niya kase minsan sakin ang pangalan na yun kaya inakala kong ikaw ang girlfriend niya" natigilan na naman ako. Ewan ko pero may kung anong kumirot bigla sa puso ko.

Hindi ko pinahalata ang totoong naramdaman ko at ngumiti sa kanya. Nakamot ko ang sentido at mahinang natawa. "Kaklase po ko ni Suga"

"Talaga?" nagliwanag ang mukha niya at tumango tango. "Pasensya ka na iha hindi ko alam ang pangalan mo"

"Younnah po" ngumiti ako at nilahad ang kamay ko sa kanya. "Younnah Siquija po. Nice meeting you po" nakangiti naman niya yung tinanggap bago ulit kami tumingin sa mga gwardiya.

"Uh..tita?" nilingon niya ako. "Gusto ko lang po sanang magtanong kung bakit po kayo nagpunta dito?"

Bahagya siyang ngumiti bago tumingin ulit doon. "Nag-aalala ako sa anak ko"

Madalas ba niyang sundan si Suga? "Ako rin po" napabuntong hininga ako.

Bigla akong nalungkot sa katotohanang hindi pa alam ng mama niya ang tungkol samin. Si Joy parin ang alam niyang girlfriend nito. Napanguso ako. Tsk hindi naman siguro ako dapat magalit diba?

Nagseselos ba ko?

Nilingon ko ang mama niya at napaisip. May alam kaya ang mama niya sa nangyayari ngayon sa kanya? Pinilit kong ngumiti nang lingunin niya ako. Mabilis namang nakuha ang atensyon ko sa ingay na nanggagaling sa loob.

Suga!

Nagmamadali akong naglakad para salubungin siya. Ganun na lang katalim ang mga tingin niya sa dalawang tao sa likuran niya. Tiim bagang siyang lumabas.

"Suga" hinawakan ko agad ang braso nito at dun lang niya ako napansin.

"Younnah..."

"Anong nangyari?" kinabahan ako. Hinawakan ko ang balikat niya para iharap sakin. "Suga?"

Mariin siyang pumikit at napasinghal sa ere. "Shit"

"Suga?" galit na galit talaga siya. "Look at me" sinalubong ko ang matatalim na tingin niya at unti-unti yung kumalma bago siya nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Bakit?"

Pumikit siya. "Fuck him"

"Suga?" saway ko.

"I'm sorry" umiling siya at hinawakan ang mga kamay kong nasa balikat niya. "Buti nakapagpigil ako. Baka nasuntok ko na yun"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon