CHAPTER 63

32 4 0
                                    


Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko. Pigil ang hininga at nakakuyumos ang mga kamay ko habang naglalakas loob nang lumapit sa kanya. Tama nga ang hinala ko. Si Jin nga ang nakita ko.

Mag-isa siyang nakaupo sa buhangin sa harap ng dagat. Gabi na kaya madilim sa bahaging yun. Dahil sa liwanag ng buwan na kabilugan pala ngayon ay nagrereflect ang liwanag sa gwapo niyang mukha. Hindi ko makakalimutan kung gaano ko yun nagustuhan. Mula side view ay perpekto yun. Hindi ko naman nakalimutan ang mga bagay na yun.

Kung gano ko siya sobrang crush noon kaya ayokong tawagin kaming mag best friend. Nakakalungkot isiping sa ala-ala nalang ang pakiramdam na yun kase kahit anong pilit kong hanapin ang parteng yun.....si Suga na ang pumalit doon.

Tuloy nagulat ako nang magsihulog na ang mga luha ko. Nakatayo ako sa likuran niya at hindi ko alam kung pano na siya lalapitan. Kanina ay may lakas na loob pa ko pero heto ako ngayon....pakiramdam ko hindi ko na siya kayang harapin ng ganito.

Umiling ako at nagpunas ng mga mata. Inayos ko ang sarili at nagpatuloy sa paglalakad at huminto sa gilid niya. Ni hindi man lang siya nagulat. Hindi niya rin ako nilingon at nanatili ang paningin niya sa madilim na dagat.

Suminghot ako bago umupo sa tabi niya. Nilingon ko siya at parang gusto kong manlumo dahil hindi parin niya ako tinitignan. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya.

"J-Jin..." yun palang ang nasabi ko ay nanginig na ang labi ko.

Kumilos siya at may kinuhang maliliit na bato sa harap niya. Pagkatapos nun pinanood ko siyang isa-isang inihagis yun sa dagat. Napapikit ako nang humangin at ganun na lang yun kalamig. Napatitig ako sa side features niya at sa lumilipad na buhok nito.

"Jin..." nagbaba ako nang tingin at humarap na lang sa dagat nang hindi parin niya ko nililingon.

Pakiramdam ko hindi na talaga kami mag-uusap pa gaya noon.








"Mahal mo ba talaga si Suga?"







Nagulat ako at mabilis siyang nilingon nang magsalita siya. "Jin..."

Bumuntong hininga siya pero hindi parin niya ko nililingon. "Gano ka kasiguradong mahal ka talaga niya?"

Natigilan ako at ganun kabilis nangilid ang luha ko. Tumulo na ang mga yun nang lingunin na rin niya ako sa wakas. Kunot ang noo niya habang nagtataka sa ganung hitsura ko.

"Kase ako....sigurado akong mahal kita" biglang nabasag ang boses niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpunas ng mata. Ganun kabilis namula ang matangos niyang ilong.

Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Sapat na ba talaga yun para malaman kong mahal rin ako ni Suga?

"Ilang beses kitang sinundan Younnah" napaangat ako ng tingin. "Ilang beses ko kayong nakikita nang magkasama. Ilang beses ko rin sinabi sa sarili kong wala lang yun dahil natural magkaibigan tayong tatlo. Hindi ako naghinala dahil alam nating may girlfriend na siya....pero bakit Younnah? B-Bakit?"

"I'm sorry Jin" sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya yun nang harapan. Nagbaba ako ng tingin at dun umiyak. "I'm really sorry"

"Mas masakit kase pareho kayong importante sakin. Pakiramdam ko trinaydor ako Younnah" madiing aniya. Napailing ako sa walang masabi at napatakip ng mukha. Narinig ko siyang suminghap ng hangin.

"Ayokong magalit pero nasaktan ako Younnah. Sinaktan niyo ko."

Nanlumo ako nang makita ang galit sa mukha niya.

"Pinaasa mo 'ko"

"Jin minahal kita" mabilis na sabi ko. "Totoong minahal kita Jin"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon