CHAPTER 62

32 3 0
                                    

YOUNNAH'S POV

Dalawang sasakyan ang gamit naming lahat. Nasa sasakyan kami ni Jimin. Katabi ni Jimin sa harap si Cyra habang katabi ko naman si Suga at Erica sa likod. Sa kabilang sasakyan naman kung saan nagdadrive si Jin ay kasama niya sila Namjoon, Hoseok, Taehyung at Jungkook. Ang sabi ay aabutin ng tatlong oras ang biyahe namin papunta sa sinasabi samin nila Cyra na beach. Mas maganda raw yun kumpara sa pinuntahan namin noon sa birthday ni Namjoon. Wala rin daw masyadong turista doon kaya mas maganda daw para walang ingay.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tinatanaw ang bawat madaanan namin. Hindi parin mawala sa isip ko ang paglapat ng mga tingin namin ni Jin kanina. Sa ganung tingin ay parang tumagos yun sa kung saan mang parte ng puso ko. Aaminin kong nasaktan ako. Lalo na nang makita ang malungkot pero seryoso niyang mga mata.

Naramdaman ko ang paghawak ni Suga sa isang kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ang pag-aalala niya. Kahit kanina ay hindi parin niya kami kinikibo.

"You're okay?" alam ko nang yun ang itatanong niya kaya tumango ako. Lahit ang totoo ay kinakabahan ako. Exciting ang ganitong outing, minsan ko lang to ma-experience. Pero ang katotohanang may magbabago dahil sa nagawa ko.....hindi ko na alam.

"Ok lang ba sa inyung magpasound?" nilingon kami ni Cyra at nakangiti akong tumango. Nilingon niya si Suga na nakangiting tumango rin.

"Sana dun na lang ako sa kabila psh! heto self third wheel ka na naman!" hinanap ko agad si Erica na nasa kabilang gilid, pinapagitnaan namin si Suga.

Natawa kaming apat sa kanya.

"Nandun ang crush ko oh" ngumuso siya sa nakasarado niyang bintana. Nakita namin ang sasakyan ni Jin na nakasunod samin. Nawala ang ngiti ko nang maalala ulit ang mga mata niya.

"Sino ba ang crush mo dun?" inosenteng tanong ni Suga. Nanlaki ang mata ni Erica.

"My gadd wala kang alam?" gulat ni Erica, natawa si Suga.

"Pareho silang gwapo"

"Yung pinakagwapo!"

"Aish si Jin?"

"What?!" asik ni Erica. "Hindi! bestfriend ko yun! yung ano...."

"Tsk sabihin mo na kase yung pangalan" nakangisi si Suga sa kanya.

"Ayoko nga! Baka sabihin niyo pa"

Natawa si Jimin. Hindi ko alam kung samin ba siya natawa o may pinag-usapan sila ni Cyra.

"Alam mo ganyan lang yan si Jungkook pero type ka nun!" tawa ni Jimin at nakita ko kung pano mamilog ang bibig at nanlaki ang mata ni Erica.

"Shit! t-talaga?"

"Tsk wala ka namang sinabing si Jungkook....tsk umamin din" natawa ako nang sabihin yun ni Suga. Ayun nahuli na nga namin si Erica.

"Hala sheeettt" puno ng pagsisisi si Erica at hinampas sa braso si Suga na kinagulat niya.

"Ouch" nakangisi si Suga bago ako nilingon.

"Don't mess with her" napailing ako habang nakangiti.

"Leche kayo! Palibhasa may mga lablayp kayo! leche!" mas natawa kami sa paulit-ulit na pagmumura.

"Ayaw ni Jungkook yung palamura sige ka" pagbabanta ni Jimin.

"Focus on driving womanizer! Baka mabangga tayo. Baka matauhan pa si Cyra kung bakit ka niya jinowa--iwan ka!"  sigaw niya.

"Ang sama mo" nakanguso si Jimin nang matanaw ko siya sa rear mirror. Nakangiti lang si Cyra habang nakatingin sa labas ng bintana.

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon