CHAPTER 48

43 5 0
                                    

YOUNNAH'S POV

February

"HAPPY VALENTINES DAY!"

"Happy Valentines din" nakangiting bati ko sa mga estudyanteng bumabati sakin habang naglalakad ako sa hallway. Lahat nalang ng madaanan ko ay panay nakapula. Today's the 14th day of February.

Nakangiti akong nagtingin-tingin sa mga dekorasyon na mga puso sa kung saan-saan. May malaki ring puso para sa mga gustong magpa-picture. Mayroon ding mga nagtitinda ng kung ano-anong sweets. Ngayong araw kase ay allowed kaming gumawa ng mga booth related sa Valentines. May mga legitimate vendors din ang nagtitinda ngayon sa labas ng campus. Tuloy ay lahat ay may hawak na bulaklak or anything na related sa Valentines. Napangiti ako nang makasalubong ang isang kakilala ko habang may hawak na boquet ng roses kasama ang boyfriend nito.

Sobrang saya ng mga estudyante lalo na nang i-announce kahapon na hindi papasok ang mga prof ngayon at maaga ang dismissal ngayon. Nasanay na rin ako kase ganito naman talaga ang nangyayari kapag Valentines day sa school na 'to.

"HAPPY VALENTINES DAY YOUNNAH!" kakabukas ko pa lang ng pinto sa room ay sinalubong agad ako ng yakap ni Erica. Nakakatuwang may ganito kang klase na kaibigan. Hinalikan niya ko sa pisngi bago siya lumayo. Nakasuot siya ng kulay pula na damit. Mukhang kunti lang talaga kaming hindi nakapula ngayon.

"Happy Valentines Day Erica" ngiti ko. Pumasok ako at pansing tatlo lang silang nandito. "Nasan si Cyra?"

"Ewan" kibit balikat niya. "Baka kasama niya si Jimin" nguso niya.

Umupo ako sa tabi niya bago pinasadahan ng tingin ang room.
"Alam mo mas pansin kong mas excited yung mga tao dito sa Valentines kaysa Pasko."

"Ay sus, alam naman nating International school to diba. Kaya malamang madaming di naniniwala sa Pasko..at tsaka Ibat iba ang mga religions" bulong ni Erica sakin

"Kunsabagay. Wala pa si Jin?" tanong ko.

"Uh-uh. Malamang nagkakandarapa na naman yung mga admirers niya. Tuwing February kaya yun naglalabasan! Mas kumakapal ang mukha!" natawa ako. "Natatandaan mo ba nung nakaraang valentines?!"

"Oo naman sino ba namang makakalimot nun"

Nung nakaraan kase ay nahila siya ng mga juniors namin. Hindi ko makakalimutang halos nagkandarapa kaming sundan ang mga yun dahil ipapakasal daw nila si Jin at ang kaibigan nila sa marriage booth. Kahit anong tago ni Jin ay may nakakahuli talaga sa kanya. Ganun sila kagaling magmakaawa para mapasama nila si Jin. Kami namang tatlo ni Erica ay pasikreto silang sinundan. Sabihin na nating mataba ang babaeng ipapakasal nila kay Jin. I'm no to body shaming--pero mataba talaga yung babae. Umiiyak pa nga yun habang nagcoconfess kay Jin. Hindi ko makakalimutan kung gaano ako nagselos nun sa kapal ng babaeng sabihin na gusto niyang pakasalan si Jin. Sa sobrang selos ko nun ay pinipigilan na ako nila Cyra dahil gustong kong puntahan sila at pagsabihan ang babae. Dahil bata ay inalo nalang ni Jin yun at pinayuhan.

Diko makakalimutan ang mga sinabi ni Jin nun sa babae dahilan para matigilan ako at mas nagkagusto pa sa kanya lalo.

'Di mo kailangan ipilit ang sarili mo sakin Lexi. Makakahanap karin ng taong mas magmamahal sayo...alam mo bang mali tong ginagawa mo? Di dapat pinipilit ang pagmamahal kase kusa yung dumadating sa tamang panahon at sa tamang tao. Masyado ka pang bata para maintindihan yun.'

Sinabi niya yun sa marahan at nangungumbinsi na tono dahilan para matauhan at humingi ng sorry yung babae pati na rin ang mga kaibigan niya.

"Ano nga ulit pangalan nun Younnah?"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon