CHAPTER 78

24 3 0
                                    

SUGA'S POV

"MIN YOONGI!"

Tumayo ako at napahawak sa metal bar.

"Min Yoongi?" tumango ako. "Malaya ka na" nagulat ako nang pagbuksan nga niya ako. "Bago ka umuwi may gustong kumausap sa'yo"

"S-Sino?"

Ngumiwi siya habang tinatanggal ang posas sa kamay ko.

"Siya ang nagpalaya sayo" yun lang ang sinabi niya bago ako tinalikuran. Hinanap ko si papa sa ibang mga kulungan pero hindi ko siya mahanap.

"SUGA"

Mabilis kong nilingon ang boses niya. Mabilis ring namasa ang mga mata ko pero pinilit kong ngumiti nang magtama ang paningin namin bago siya nag-iwas ng tingin.

"Younnah.."

"Sige ho ma'am pwede na ho ninyo siyang kunin. Babalitaan nalang namin kayo sa resulta nang imbestigasyon sa papa niya" sinulyapan ako ng pulis na kausap nito.

Nilingon ako ni Younnah. Akala ko ay lalapitan niya na ko pero nagpaumuna siyang naglakad palabas. Yumuko ako ng ilang beses sa mga pulis bago ako tuluyang nakalabas at hinabol kaagad siya. "Y-Younnah" natigilan ako nang makitang nakatingin siya sakin pero ramdam ko ang pagkakalagpas nun.

"Kumain ka muna" pilit na ngiti niya bago naglakad palayo. Patakbo akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. Natigilan siya sa paglalakad at nagbaba ng tingin sa kamay ko. Dahan-dahan ko yung nabawi nang mapansin ang pagkunot ng noo niya sa ginawa ko. Sinalubong ko ang tingin niya pero mabilis niyang nabawi at iniwas ang tingin. "Kumain ka muna" lumaylay ang balikat ko nang talikuran niya ako. Patakbo ko parin siyang sinundan hanggang sa nagpantay ang paglalakad naming dalawa. Nasa kanya ang buong atensyon ko imbes sa nilalakaran namin.

Hindi niya ko matignan. Tumulo ang luha ko.

"I'm s-sorry" napapikit ako pero hindi niya ko nilingon. Napatigil ako sa paglalakad nang mas bilisan niya ang paglalakad.

"Anong gusto mo?" nag-angat siya ng tingin sa menu nang makapasok kami. Hindi ko nagawang tignan yun dahil nasa kanya parin ako nakatingin. Kunot noo niya kong nilingon pero ngumiti ako. "Suga?"

"Younnah" pumikit ako bago ko inangatan ng tingin ang pagkain. Ayokong kumain pero dahil siya ang kasama ko mas gugustuhin kong sumama sa kanya. Kahit saan. "Kahit ano"

"Walang kahit ano sa menu Suga" nilingon ko siya nang painis niyang sinabi yun.

"Kung anong gusto mo" tinitigan ko siya pero hindi niya ako nilingon.

Hindi siya um-order para sa sarili niya. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain nang makaupo kami pareho.

"Kumain ka na. Tapos na kong kumain"

"Saluhan mo ko please?"

"Busog ako" tinitigan ko siya pero nilabanan niya ng inis ang titig ko. "Kumain ka na" yun lang at natuon na sa labas ang paningin niya. Nagbaba ulit ako ng tingin sa pagkain at pinilit yung kainin.

Tumayo siya kaagad pagkatapos kong kumain. Nagmamadali ko siyang sinundan sa labas. "Younnah" pumunta ako sa harapan niya para huminto siya sa paglalakad.

"Umuwi ka na--

"Younnah please...."

"Bakit?"

"Mag-usap tayo please?"

"Tungkol saan?"

"I'm sorry" napapikit ako at sinubukang kunin ang mga kamay niya pero nabigo ako. "Hindi ko alam kung pano sabihin sayo ang totoo. Younnah maniwala ka sakin, sinubukan ko pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa mararamdaman mo Younnah" umiling ako. "Natatakot akong---

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon