CHAPTER 16

53 5 0
                                    

Happy Namjoon Day

Madaling umaga palang gising na ang anim. Sa bahay ni Namjoon natulog ang anim para di na sila mahirapan sa pag-alis mamaya pagkatapos ng klase.

Habang tulog pa si Namjoon ay may naisip na naman silang kalokohan--este sorpresa

"Ssshhh, hinaan niyo boses niyo,baka magising"

"Ikaw naman kase Kookie eh, sabi ko naman ako ang magdadala ng kandila tapos ikaw nung cake." --Taehyung

"Diba ilalagay naman ang kandila sa cake?"--Jimin

"Kaya nga. Akin na yan Tae at ikaw humawak sa posporo oh" --Jungkook.

"Hay naku pati yan pinag aawayan niyo pa" --Hoseok

Hinay hinay silang lumakad palapit sa kama nito. Sa twing gumagalaw si Namjoonie, agad silang napapatigil.

"Kookie baka mahulog yung cake!"

"Shhhh!" tinakpan agad ni Suga ang bibig ni Taehyung nang gumalaw si Namjoon.

Nang nasa gilid na sila ng kama.....

"Yung posporo!"

Umangal parin si Taehyung dahil gusto niya talagang siya magsindi.

Mabilis na pumatay ang apoy

"Aish ano ba yan ang simple simple lang di pa magawa"

"Chill lang mga besh"

Pero di parin niya masindihan ito dahil lagi itong namamatay.

"Akin na nga" agaw ni Jin sa posporo

At nasindihan na ang kandila.

"Pati apoy ayaw sakin." nguso ni Taehyung

"Alien ka kase"

Ensakto namang nagising si Namjoon at nagulat siya nang makita ang mga kaibigan niya hawak ang umiilaw na bagay

"Saennnnnngil chukaaaaaa hamnidaaaaa.....saengil Chuka hamnidaaaaaa......."

Habang kumakanta sila dala ang cake na may nakasinding kandila, agad na bumangon si Namjoonie at natawa.

"Happy birthday hyung!"

"Happy birthday Namjoonie!"

"Happy birthday!!!!!"

"Oh man.." pinunasan ni Namjoon ang mata niya. "Thank you"

"Alam mo ba hyung plano ko to hehe"

"Pabidang rabbit"

"Tumahimik ka alien"

"Hahaha ang sabihin mo Taehyung nagseselos ka kase hindi tinanggap ni Suga ang plano mo"

"Nyeyeye. Nang dahil lang naman sakin kaya pinayagan si Younnah ng papa niyang sumama. Eh kaninong plano ba yun diba sakin?"

"Hahah kaloka yung attire ko kahapon" tawa ni Jungkook habang inaalala yun. "May picture pa nga ako nun"

"Suga-hyung, bat di ka pumasok kagabi dun? Ang ganda mo pa naman" tawa ni Jimin

"Talagang ginawa ni Suga yun?" di makapaniwalang natatawa si Hoseok

"Ang ganda nga eh"

"Kaya nga di ako nakapasok kase ang ganda ko tsk"

"Ahh hahaha gets ko na. Pinagtripan ka ng mga lalaki dun no?" tinitigan si Jungkook ng masama. "Hehe"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon