CHAPTER 54

35 4 0
                                    

"GOOD MORNING HON!"

"G-Good morning" nakapikit pa ang isang mata ko habang bumabangon. "Ang aga mong tumawag ah?"

"Wala lang!" alam kong nakangiti siya sa kabilang linya. "Wait! ngayon ang oral defense niyo diba?"

"Hmm" yumuko ako sa mga tuhod habang nakalapit parin sa tenga ang phone.

"Goodluck hon! I'm sure makakaya mo yun."

"Thank you"

"Kagigising mo lang?"

"N-Ne"

"Oh my God sorry! Napaaga nga talaga ako"

"Ani ayos lang" natawa ako. "Mas maaga ka pang nagising sakin ah"

"Eh di nga ko nakatulog!" alam kong nakanguso siya ngayon. "Sa sobrang busy dito. Pero ok lang alam ko namang tutulungan mo din kami soon" ngiti niya. Pumikit lang ako.

"Good luck ulit!" pagsasalita niya nang hindi ako nakasagot.

"Thank you Joy" ngiti ko.

"Just try your best hm? Like what I said I'm always here to support you"

"T-Thanks"

"Sige na bye. I love you!"

"Hmm" ngiti ko at nawala yun nang binaba na niya ang phone. Pabagsak ulit akong humiga at tumitig sa kisame.

Oral defense..

Bumangon agad ako para maligo. Maaga pa nang makapasok ako sa school pero halata na ngang bihis na bihis na sa mga formal attire nila ang mga kabatch namin. Hindi lang kaming nasa Commerce Department ang may oral defense ngayon dahil pati ang mga College of Arts and Science at Engineering ay may oral defense din. Sa Audio Visual Room ang venue samin.

Binati agad ako nang mga kagroupo ko. Lahat sila naghihintay na pala sakin sa tambayan namin nitong mga nakaraang araw. Habang nagrerehearse kami sa mga sasabihin namin mamaya ay naagaw agad ang atensyon ko sa boses ni Erica. Hinanap ko yun at tama nga akong kasama na niya ang dalawang kaibigan niya. Napatitig ako kay Younnah....ang seryoso niya.

"Ah Suga should we include this part in our conclusion?"

Napalingon agad ako sa isa sa mga kagroupmates ko at seryosong binasa ang parteng tinuro niya.

"Ito lang" tinuro ko sa ballpen ang isang linyang isasali mamaya.

Binalikan ko ulit kung saan sila kanina naglalakad pero hindi ko na sila makita pa dun. Napabuntong hininga ako.

8:00 am ang ensaktong oras para sa oral defense namin....alphabetical surname ng mga leader ang magiging basehan. Kaya ako ang mauuna samin ni Younnah.

"Lets go" tumayo nako at sumunod naman sila agad. Kailangan na naming umakyat kahit matagal pa kami. Sa hallway palang ng 5th floor ay nandun na ang halos lahat ng mga kablockmates namin na panay rehearse na. Huminga ako ng malalim at hindi pinahalata ang kaba ko. Sa mga oras na to alam kong hindi lang ang mga panelists ang kalaban namin kundi ang kaba na posibleng makasira sa lahat ng planado niyo na.

"Hyung!"

Napalingon ako at nakita si Jungkook na sobrang gwapo sa suot na formal attire. Ningitian ko siya at nakipag fist bomb.

"Malapit na kayo?"

"Hindi pa nagsisimula" nakangiting iling ko.

"Oh bakit nakangisi ka hyung? Hindi ka ba kinakabahan?"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon