CHAPTER 24

46 5 0
                                    

"Umupo na kayo kanina pato gutom si Taehyung haha" tawa ni Namjoon.

Tahimik lang na nakatingin sa kanila si Suga habang sobrang ingay naman ng mga kasama nila habang kumakain. Napansin ni Younnah ang tingin na yun pero sa twing napapaharap siya dito ay mabilis niyang itinutuon sa iba ang mata.

"Ano ka ba Younnah? diet ka ba?!" natatawang pinaglagyan ni Jin ang plato nito. Ibang-iba sa dating niya kanina habang magkausap sila. "Kumain ka ng madami hmm?" bulong nito sa kanya.

Napansin yun ng lahat pero binalewala nalang nila ito.

After they eat they decided to part ways at puntahan ang mga booth na gusto nila. Gabi na nang matapos ang unang araw na yun.

"Thank you for inviting us here. I have fun tonight" ngiti ni Namjoon.

"Babalik ka pa bukas Namjoon-hyung ha!"

"Yes sure" tawa nito.

"May practice tayo bukas ng umaga para sa performance natin diba?"

"Yup Hoseok-hyung kaya agahan niyo dito"

"Nice hahaha!"

"Diba basketball league bukas?" tanong ni Jungkook

"Hindi pa. Sa Friday nila nilagay" ngiwi ni Suga na nakapamulsa. "Its just a friendly game. May practice pa kami"

"Woah kasali ka Suga?" gulat ni Hoseok. "Hahaha ichecheer kita!" tawa nito niya nang tumango ito.

"Si Jin din naman" baling ni Suga kay Jin na nakangiti.

"Hindi ko alam na marunong na palang magbasketball to isang to haha!" malakas na tawa ni Namjoon.

"Yah! natuto na ko Namjoon" saway ni Jin pero natawa lang ulit ito. "Itanong mo pa kay Younnah" ngiti niya dito na kanina pa tahimik.

"Yeah tama siya" si Suga ang sumagot.

"Umuwi na tayo" pangunguna ni Suga sa kanila.

Nagkatinginan sila at pare-parehong nagkibit balikat.

"May mood swings na naman yun panigurado haha!" tawa ni Jimin at sumunod na dito.

Nagpaalam ang lahat sa isat-isa bago pumasok sa sarili nitong mga kotse. Nagpaalam na din ang mga kaibigan ni Younnah dahil dumating na ang sundo nila. Naiwan ang dalawa.

"Hatid na kita" nagpaumuna si Jin sa paglalakad at nang mapansin niyang di sumunod si Younnah ay napalingon siya dito.

"Younnah?"

"P-Pwede ba tayong mag-usap?"

Natigilan si Jin at nang makabawi ay ngumiti siya at naglakad pabalik sa kanya.

"Ayaw mo pang umuwi?" Jin asked at tipid na ngumiti si Younnah.

Naglakad lakad muna sila malapit sa garden ng school. Madami pa namang tao dun kahit gabi na. Hindi naman mapapagalitan si Younnah ng papa nito ngayon kase alam niyang matatagalan siya sa pag uwi. Habang naglalakad sila di niya alam kung saan siya magsisimula. Lumakas ang malamig na hangin kaya nilagay ni Younnah ang mga kamay sa bulsa ng jeans nito habang nakayukong naglalakad.

"Ano yung sasabihin mo?"

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin kay Jin ng diretso at napabuntong hininga.

"Yung tungkol kanina..."

"Bakit?"

"Alam mo namang magagalit si papa pag nalaman niyang may nanliligaw sa akin diba?"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon