CHAPTER 6

49 6 0
                                    











Pagkatapos ng two classes nito dumiretso siya agad sa gymnasium ng school. Madami ng tao dun ang nag aabang na magstart ang liga. Umupo agad silang tatlo sa bakanteng upuan,kasama nito sina Cyra at Erica ngayon. Nandun din sila Jimin, Jungkook, at Taehyung sa kabilang upuan kaso lng malayo sila.


"UNNIE!!"

Paglingon ni Younnah yung mga batang fan ni Jin ang tumatawag. May bitbit itong malaking tarpaulin at may mga balloon pa na nakalagay sa ulo nito. Lumapit sila sa lugar nila sabay kaway sa kanila.

"Ano yang dala niyo?"

"Isang tarpaulin po ng mukha ni Jin oppa, patulong po mamaya unnie ha sa pagbitbit nito." sabay kindat.

Naalala nito bigla na pumayag pala siyang tulungan sila dun sa fan club nila. Tumango nalang si Younnah.

Nagsidatingan na ang mga players sa dalawang magkaibang team. Isa ay kulay itim ang uniform at ang kabila naman ay puti.

Nakita niya agad si Jin na nakasuot ng kulay itim na Jersey na may numerong 92 , napansin ni Younnah na sa likod ni Jin ay may green na buhok.

Isa lang naman ang may ganitong buhok kundi si Suga. Nakaitim din ito na Jersey at may number 93 sa likod.

"Woah! Grabe ang hot ni Suga!" sigaw ni Erica

"Alam kong mananalo parin yang Blackwood Underdogs eh si Jin na yan eh,..lalo nat may bago sila, malay mo magaling din yang si Suga." si Cyra.

Blackwood Underdogs ang team nila Jin while sa kabila ay White Dragons

"Oo naman siya pa" ngiti niya habang nakatingin kay Jin

Biglang napalingon si Jin sa kanilang pwesto at ngumiti din kay Younnah.

"Wootwhooot...." napansin yun ni Cyra.

Bigla nag-init ang mukha ni Younnah sabay tingin kay Jin ulit, nakatalikod na si Jin habang kinakausap si Suga. Minasdan niya lang silang nag uusap sa malayo ng biglang tumingin si Suga kay Younnah at kinindatan ito.

Nagulat siya sa ginawa niyang pagkindat sa kanya.

"Hoy, ayos ka lang? Bat nanlalaki yang mga mata mo? May nakikita ka bang di namin nakikita ngayon Younnah?"

"Ha-ha?? Hoy wala ah,..nabigla lang ako"

"Hmm, sa tingon mo Erica sino sa kanilang dalawa ang tinitingnan ni Younnah......Si Jin o si Suga??" tanong ni Cyra.

"Hoy ano bang pinag sasabi niyo?"

"Basta team Suga ako" bigla nalang sinabi yun ni Erica.

"Jin, always." ngiti ni Cyra.

"Aish anong team yan eh iisa nga lang team nila diba?"

"Eh di team sa puso mo,..sino bang pipiliin mo sa kanila ha?"

"A-Anong--"

Loka loka din ang mga ito bat naman na involve yang Seaweed na yan.. Kay Jin lang talaga tong puso ko wala ng iba ---sabi niya sa isip nito.

"Uyyy nag iisip" pang-aasar ni Erica.

"Ewan ko sa inyo"

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang laro. Inihagis na ang bola sa ere at nakuha agad ito ng team nila Jin.


"GO JIN OPPA!"








"Go Jin!!!" sigaw rin ni Younnah

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon