CHAPTER 69

26 3 0
                                    

YOUNNAH'S POV

Hanggang sa magising ako kinabukasan ay hindi na nawala sa isip ko ang pangalan ni Hyun Min. Hindi ako makapaniwalang isa siya sa mga natulungan ni mama. Pakiramdam ko may kung anong parte sakin ang naging malungkot at naging masaya. Ang katotohanang nabubuhay pa siya ngayon dahil kay mama. At ang katotohanan ding may parte kay mama ang nasa kanya na ngayon.

Alas siyete na ng umaga kaya bumangon nako para maligo. Nandun na si papa sa baba umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Ngumiti ako nang lingunin niya ako.

"May lakad ka ngayon Younnah?"

"Uh..." napapikit ako nang hindi ko pala nasabi sa kanya kagabi. "May pupuntahan po kami ni Suga"

"Saan?"

"Sa pamilya po ng ex niya" napapikit ako nang sabihin yun. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni papa. Oo nga naman. "Kakausapin lang po niya pa"

"Bat kailangan mo pang sumama?" kinabahan ako kahit kalmado lang naman niya yung tinanong.

"Ano kase" napahawak ako sa batok. "Ano po.." wala akong madugtong.

"Sige na maligo ka na" bumuntong hininga siya. Napanguso ako hanggang sa makapasok na sa banyo.

"May mali ba dun?" wala sa sarili kong bulong habang nagtotoothbrush. Napatitig ako sa salamin at pinanliitan ng mata ang sarili. Wala naman sigurong masama kung gusto mo lang sumama. Niluwa ko ang nasa bibig at nagmumog. Napatitig ulit ako sa salamin para tignan ang labi ko.

Napalunok ako sa naisip at mabilis na tinalikuran ang salamin. Dali-dali akong nagbihis at nagsuklay ng buhok. Ngayon ko lang napansin na hindi na yun ganun kaiksi tulad ng dati. Namimiss ko na rin ang mahaba kong buhok.

"Younnah nandito na si Suga"

Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling inayos ulit ang mukha. Naconscious na naman tuloy ako sa sinuot ko at paulit-ulit na tinitigan ang kabuuan sa salamin.

Bumaba nako at napalunok nang makita si Suga. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ang buhok niya.

"Good morning" sobrang ganda ng pagkakangiti niya habang pinapasadahan ako ng tingin pero sa unang pagkakataon ay nabaliwala ko yun dahil nakatutok ako sa buhok niya at sa bagong kulay nito.

"Mag-agahan muna kayo" dun lang bumalik ang katinuan ko nang tapikin ako sa balikat ni papa. Ngisi ngisi siyang umalis bago ko sinulyapan ulit si Suga na ngayon ay nagtataka na sa ganung reaksyon ko. Napalunok ako.

"S-Suga.."

"Good morning" nakangiting bati niya ulit.

Nakanganga parin talaga ako habang sa buhok niya nakatingin. "B-Bakit..."

"I dyed it. Sabi mo diba--

"Y-Yes pero b-bakit--

"Kulay itim?" bumuntong hininga siya at inayos ang buhok nito na bagsak na bagsak na halos tumabon na sa buong noo niya. "You don't like it?"

"H-Ha?"

"Ayaw mo?" ngumuso siya.

"A-Ano kase..." nagulat lang talaga ako. "Nasanay lang ako sa green--

"Yes" naging matunog ang pagbuntong hininga niya. "Sige kukulayan ko ulit mamaya--

"No" pigil ko at ngumuso siya. "Ayos lang yan" ngiti ko.

"Pero parang hindi mo nagus--

"Gusto ko" mas pinalaki ko ang pagngiti. "Totoo yun"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon