CHAPTER 60

39 4 0
                                    

YOUNNAH'S POV

'I think he's fine now

Tahimik akong umiiyak habang nakatitig sa huling text niya. Ilang beses ko nang sinubukang siyang tawagan pero hindi na niya yun sinasagot.

Nagiguilty ako....

Ni hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag. Pero ano nga bang ipapaliwanag ko? Anong sasabihin ko sa kanya? Sinaktan ko siya. Sinaktan mo siya Younnah.

"Younnah..."

Napaangat ako ng tingin at mabilis na nagpunas ng luha. Umupo siya sa tabi ko at narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.

"I'm really sorry"

Napapikit ako sa sinabi ni Suga at napatago sa mga palad ko. Ganun na lang bumuhos ang luha ko nang yakapin niya ako patagilid.

"I'm really sorry" umiling ako ng umiling. Gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang kasalanan pero ang nagawa ko lang ay umiyak sa tabi niya.

Kasalanan ko to. In the first place alam ko nang masasaktan ko siya pag nalaman niya ang totoo. Pero pinaasa ko siya, pinaasa ko si Jin. Hindi ako naging honest sa kanya. At huli na bago ko siya tapatin dahil nakita niya kami sa bahay. Ang gaga mo Younnah! Nahihiya ako sa sarili ko----

"Please stop blaming yourself" sinabi niya yun nang sobrang lambing habang pinapatahan niya ako. "Ssshhh"

"Nasaktan ko siya Suga" umiling ako ng umiling. Hindi talaga ako makapaniwala. "Sinaktan ko siya..."

"No....its my fault" mahinang sabi niya. "Its my fault"

Hinarap ko siya habang pinupunasan ko ang luha.  "H-Hindi ko alam kung pano magpapaliwanag" napatingin ako sa mga kamay ko. Bigla niya yung hinawakan at pinisil ang mga yun.

"Kakausapin ko siya"

"Suga...." ngayon pa lang nag-aalala nako. Pano nalang ang pagkakaibigan nila? Masisira ba yun nang dahil sakin? Shit!

Nasapo ko ang noo sa katangahan ko.

"Hinahanap ka na ng papa mo"

"Halata ba ko?" nag-aalalang tanong ko. Tumango siya. "Shit"

"Stop cursing" bigla niyang pinindot ang ilong ko. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Pinunasan niya ang gilid ng dalawang mata ko kaya napadilat ako.

Dalawang araw na magmula nang makita kami ni Jin. Sa dalawang araw na yun hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya.

Ngayon ang uwi namin ni papa. Nandito ako nakaupo malapit sa counter kung saan pinoproseso pa ang mga papeles sa pagdischarge niya.
Sa dalawang araw na yun ay sinamahan lang ako ni Suga dito sa hospital. Nakausap na rin namin si papa tungkol sa totoong nangyari. Nagpapasalamat akong hindi na big deal kay papa yun.

Tumayo ako nang tawagin narin sa wakas ang pangalan ko. Pinilit kong ngumiti habang pinipirmahan ang panghuling kailangan. Habang naglalakad, tutok ako sa pagbabasa ng form na yun. Napalingon ako kay Suga nang hawakan niya ang isang kamay ko at ngumiti. Napangiti na lang din ako sa ginawa niya.


"Pa, ang payo po ng doctor sa inyo na bawal kayong mapagod, bawal din kayong magalit masyado at tsaka bawal na rin po yung sobrang taba sa pagkain"

Akay-akay na namin ni ante si papa papasok ng bahay.

"Oo alam ko na...paulit ulit niyo na kaya yang sinasabi sakin"

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon