CHAPTER 39

47 4 0
                                    

SUGA'S POV

Tanghali na nang maglanding ang eroplano sa Incheon Airport. Palibhasa Christmas kaya madaming tao ngayon. Natigilan ako nang may dalawang lalaking lumapit sakin at kinuha nung isa yung hawak kong maleta. Nakilala ko yung isa---isa siya sa tauhan ng papa ni Joy. Napabuntong hininga ko na lang silang sinunod hanggang sa matigil ako sa van na magiging sasakyan namin pauwi. Alam na nilang uuwi ako kaya siguro may ganito.

"Welcome back sir" dun palang nila ako binati nang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Thank you"

Aabutin ng isang oras ang biyahe papunta sa mansyon nila Joy. Dun kami didiretso. Di pa kami nakakalayo ay nababagot na ako--inaantok. Dun ko lang namalayang nakatulog pala ako nang gisingin ako nung isa. Halos di ako makadilat pa ng maayos dahil sa silaw na nanggagaling sa bintana kahit nakasarado yun. Umayos ako at nakitang pinagbuksan kami ng gate ng mga tauhan nito. Sa laki ng gate ay halos di na makita ang nasa loob. Sa labas palang ay may mga maid ng nag-aantay sa pagbaba ko. Tuloy ay parang nahihiya na kong lumabas dahil na naman sa ganitong klaseng treatment ng pamilya niya.

"Ako na" hindi ko na hinayaang pati pagbukas ng pinto ay sila pa ang gagawa. Ako na mismo ang bumukas at bumaba. Ayun na ang sabay na bati nila sakin.

"Annyeong" nakangiting inisa-isa ko at niyuko ang mga katulong na halatang nagulat sa ginawa ko.

"This way sir" sumunod agad ako sa tauhan papasok ng mansyon. Napaangat ako at nagulat nang mapansing malaki ang naging pagbabago ng mga interior designs sa loob. Pati ang malaking chandelier sa taas ay mas maganda at engrande.


"Yoongi!"

Napatingin ako sa hagdan nang makita si Joy habang excited na bumababa. Ngumiti ako at naglakad para salubungin siya. Naging mahigpit ang yakap nito sakin.

"Finally you're here!"

"Hmm. Merry Christmas" ngiti ko. Nakangiti siyang humarap sakin at mabilis akong hinalikan.

"Merry Christmas!" masayang bati niya.
"Dad! He's here!" sigaw niya sa taas. "Your dad is here too" nagugulat ko siyang hinanap agad.


"Min Yoongi" ayun na ang malalim na boses ng papa ni Joy kaya umayos na kami pareho. Pababa ito ng hagdan at rinig namin ang halakhak niya. Nagulat ako nang kasama niya si papa na nakangiti sakin habang pababa sila.

"Glad you're back" mas yumuko ako sa harap niya nang makababa na ito. Nakangiti siya nang harapin ko.

"Annyeonghaseyo"

"Hmm" tapik niya sakin. Hinarap ko si papa at mabilis naming niyakap ang isat-isa.

"Welcome back" bulong ni papa at nakapikit akong tumango.

"Lunch ready" ngiti ng papa ni Joy at sumunod kami sa engrandeng dining area nila. Magkahawak kami ng kamay ni Joy at binitawan lang namin ang parehong kamay nang maupo na kami. Nasa tabi ko siya.

Kumilos agad ang mga katulong para pagsilbihan kami. Nilingon ko si papa na sobrang laki na ng pinagbago magmula nang mag-aral ako sa Pilipinas. Masyado na siyang naiimpluwensyihan ng pamilya nato maging sa pananamit. Pakiramdam ko ako nalang yung mahirap dito.

Nag-usap kami tungkol sa pag-aaral ko sa Pilipinas. Ngayon ko lang nalaman na wala palang alam ang papa niya tungkol sa naging resulta ng Dean's list. Nakayuko lang si Joy habang kumakain kaming lahat sa malaking lamesa nila habang napag-uusapan namin ron. Buti ay hindi rin nagtanong ang papa niya tungkol dito dahil kahit magalit pa sila ay sasabihin ko parin ang totoo.

War of Hormones✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon