Maureen POV
"Waaahhh! ang ganda nya grabeee!!"
"Maureen! pa picture pleaseee??"
"Waaaahhh! Nakita na din kita sa personal. sh*t! ang ganda mooo!!"
"Maureeeeeeennn! Autograph lang ohhh??"
Hindi ko na pinansin ang mga sigawan sa labas at pumasok na sa loob ng Van. Naaapreciate ko naman ang mga fans pero nahihilo talaga ako at nakakadagdag pa sila sa pagsakit ng ulo ko. Masyado kasing maiingay. Tsk!
"Maureen! Sikat na sikat ka na!" Inirapan ko lang ang lalaking nag salita. My manager. Actually, ayoko talagang sumikat eh. Pero dahil maganda raw ako at may talento pa sa pag kanta, pinilit nya ang family ko at heto nga! Sikat na ako within a year. Yeah, one year palang ako sa showbiz pero sikat na. Iba talaga ang Charisma ng isang Maureen Imperial.
*smirks*
"Anong oras na ba? may date pa ako eh." Palusot ko sa Manager ko na si Axel. Mabilis namang kumunot ang kanyang noo. "What?" I innocently pointed myself.
"Date? are you out of your mind? paano kung may makakita sa inyo?" Uhmm... Honestly saying, kahit isa syang lalaking masungit at masyadong mainitin ng ulo, hindi maitatangging gwapo parin ito. Sa pagkakaalam ko, 28 palang 'tong manager ko eh. Well, masungit pa rin talaga. Close naman kami but sadly, hanggang close nga lang.
"Wag kang mag-alala. sa private kami magdedate." I winked at him. Wala naman na itong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang.
I smirked. Kilala nyo na ako diba? I'm Maureen Imperial. 17 years old at sobrang sikat sa bansa. Nah! Sikat sa buong mundo? Well, malapit na. haha!
Meron akong bestfriend noon. si Tricia. naalala ko pa yung mga panahong ngumingiti sya dahil sa nobyo nito. sobrang gusto nya ang lalaki at mahal na mahal nya talaga. Pero hindi sya aware na babaero yun. No, I mean, aware pala sya. Kahit ilang beses nya itong nahuli, Pinapatawad pa din nya 'to. Oo! sikat nga yung lalaking yo'n at isang simpleng tao lang si Tricia. Pero kahit gano'n, may puso parin yung tao, right?
Hanggang sa nalaman nalang namin na may sakit si Tricia. Pinaalam nya 'to sa lalaking 'yon pero ano? Ha-ha wala syang pake. Nag sorry lang ito sa kaibigan ko at doon pa mismo sa araw na 'yon sya naki pag break kay Tricia. Sinabi nya yung totoo na pinagpustahan lang nila yung kaibigan ko! ang kapal di'ba?
Kaya ngayon, sikat na ako, lahat gagawin ko maipaghiganti lang sya.
"Oo nga pala. nalaman ko na makakapasok sa Melochords Academy ang Sunrise." Urgh! What a cheap band name? Isa lang naman crush ko dun eh. si Allister. Shh! Crush lang naman. Isa pa, miyembro din duon ang taong kinaiinisan 'ko. The guy I mentioned awhile ago.
But wait... what?
Alam din kasi ng Manager ko yung nangyari kay Tricia. so... What did he mean by that?
"Melochords?? Axel! gusto ko dung mag-aral. Kelan ang audition??"
"Sa Nov. 6 Well, hindi ka na mahihirapan." May Binigay sya sa aking Invitation. Invitation? Kunot noo 'ko itong kinuha sa pagkakahawak nya at mabilis na binasa.
"To: Maureen
From: Melochords AcademyImbitado ka sa isang Singing Contest na kung saan kapag nakapasok ka, maaari kang maging Official Student ng Melochords Academy. No Tuition Fee at maaari ka pang sumikat! Audition na sa Melo Theater on Monday, Nov. 6, 20** Inaasahan namin ang pagdating mo."
At dahil do'n, napangiti ako. Tricia, I promise you that I will do everything just to break his casanova's heart. Cavin Roa, wait for my revenge.
*smirks*
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK