Chapter 72: Who is GX?

1.8K 41 0
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay isang nakangiting anghel agad ang bumungad sa akin. Napangiti ako. "Noah..." Wika ko. Mabilis naman akong hinalikan nito sa labi at maging sa noo.

"Good morning, Mommy Minnie. Mahal na mahal na mahal na mahal kita..." Sukat sa sinabi ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin. Hindi ako nag dalawang isip na gantihan 'yon.

Alam ng diyos kung gaano ako ka-swerte sa lalaking ito. Sana huwag dumating ang panahong iiwan nya ako. Kasi alam nyo 'yon? Kaunti nalang ang Noah na nabubuhay sa mundo. Haha!

"I love you too, Daddy Mickey. Hindi parin ako makapaniwala na bumalik ka na." Sabi ko dahilan nang muli nitong pag ngiti.

"Hindi naman ako bumalik. Kasi kahit kailan, Hindi kita iniwan." Kusa ko itong napalo sa dibdib nang sabihin nya ang bagay na 'yon.

"Ang cheesy mo!"

"Pero mahal mo."

"Di kaya..." Saad ko. Tinatago ang pag ngiti.

"Ayan ka nanaman eh..." Ngumuso sya na naging dahilan nang aking pag tawa.

"Hahaha. Ang cute ng isip-batang Noah!" Kinurot ko sya sa kanyang ilong na lalong nagpanguso dito.

"Cute lang? Hindi gwapo?"

"Sige na nga, Gwapo!"

"Hahahaha! Pinapakilig mo ako, Mommy Minnie. Hahaha!"

Umiling na lang ako. Hay, Noah...

Nang tumigil na nga ito sa kanyang pag tawa ay kasabay no'n ang kanyang pag upo. Dahan-dahan akong itinayo ni Noah at mabilis akong hinalikan sa labi. "Magbihis ka, Mommy Minnie. May pupuntahan tayo." Aniya na nakapagpakunot sa aking noo.

"Huh? Sino?" Ngunit imbis na magsalita ang mokong ay isang ngisi lang ang kanyang isinagot. Wala naman akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at magpunta nalang sa banyo.

Halik sya nang halik sa akin kanina. Hindi pa pala ako nag t-toothbrush! Nakakahiya! Geez.

Habang bumubuhos ang malalamig na tubig sa buo 'kong katawan ay sumasabay doon ang mga isipin na sinabi sa akin ni Noah kagabi. Hanggang ngayon ay wala parin akong Idea kung sino si GX.

Ngunit malakas ang aking kutob na kilalang kilala ito ni Noah... At maging ako rin.

Nang matapos akong maligo ay bumaba na ako at doon nga ay naabutan ko ang aking mga barkada na may kung ano nanamang ginagawa. May sari-sarili nanaman silang mundo.

No'ng tignan ko si Trina at Rouge ay kusa na lang akong napangiti. Mukhang may nabubuo na rin sa kanila. Lumapit sa akin si Trina. "Hi, Cath." She kissed my cheeks.

"Parang masaya ka ata ngayon?" I asked. Kita ko ang kinang ngayon sa kanyang mga mata. Maganda naman talaga ito. Sa katunayan nga nyan ay mukhang mas maganda pa sya kay Doreen.

"Lagi naman akong masaya." Sagot nya.

"Blooming ka?" Sabi ko naman. Hanggang sa namula nga ang pisngi nito na bahagya ko pang ikinatawa.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin at bumulong. "Nililigawan ako ni Rouge..." Kusa akong nabigla sa sinabi nya.

"Ligaw?" I asked. Tumango naman sya.

"Syempre... Kailangang magpa-choosy." She winked.

"P-pero... Pero naging kayo na noon diba? Sapat na naman siguro yun para makilala nyo ang isa't isa." Natawa si Trina sa'king sinabi.

"Tama ka. Naging kami nga, NOON. Pero Cath, Hindi kasi ganoon kadali iyon. Minsan, kailangan mong mag ingat. Lalo na ngayong maraming nagbago. May mga nangyari nitong nakaraan na nagpapatunay na mas dapat pa naming kilalanin ang isa't isa." Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang nang sabihin nya ang bagay na 'yan.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon