Humahagulgol akong nag tungo sa coffee shop kasama si Noah. Naghihintay doon ang aming mga kaibigan na agad akong hinagkan para patahanin.
Patuloy lang akong umiiling sa kanila habang binabanggit ang salitang 'hindi pa patay si Xyra' Kaibigan nya ako kaya natural lang na ganito ang maramdaman 'ko.
Ayoko pa kasing paniwalaan. Wala akong natanggap na balita miski isa. Kaya paano ako maniniwala?
Ngunit may mga tanong talaga na nabubuo ngayon sa isipan 'ko. Bakit nya kami sinusundan ng mga araw na yun? Bakit sya pinatay? May kaugnayan ba ito sa pagpatay kay Aila Furukawa?
Kung noon ay ayokong magealam sa mga ganitong sitwasyon, hindi na ngayon. Wala na ang kaibigan ko. Mananahimik pa ba ako? Gusto 'kong matuklasan kung sino man ang nasa likod ng krimeng 'to.
"Tahan na," Haplos ni Charie sa likod ko. Umiling lang ako. Kailangan 'kong malaman kung sino sya.
Humiwalay ako sa kanila ng yakap. Ngayon ko lang din napagtanto na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko.
"Kailangan kong makausap ang pamilya ni Xyra." Natigilan sila. Hindi ko na nahintay pa ang kanilang mga sasabihin sapagkat nagmamadali akong lumabas ng coffee shop.
"Cath!" Humarap ako kay Kuya at nginitian sya.
"Gagamitin ko muna yung kotse mo." Kinuha 'ko ang susi sa kanyang bulsa sabay sakay sa kanyang kotse. Wala na silang nagawa nang ipaharurot 'ko ang sasakyan.
Nang makarating ako sa bahay nila Xyra,naabutan ko 'don si Tita Nena. Nakatulala at nakatingin sa kawalan. Mabilis akong lumabas ng kotse at nilapitan ang nanay ni Xyra. Humugot muna ako ng lakas bago sya kausapin.
"Tita." Tila ba nakakita ito ng multo nang balingan ako ng tingin. Agad ako nitong niyakap at sa di inaasahan, nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.
"Hija... wala na si X-Xyra." Salitang lumabas sa kanyang mga bibig.
Hindi ako makapag salita. Hindi ko mahanap ang tamang mga linya kung paano patatahanin ang matanda gayong ako ay naluluha na rin.
Mayamaya, tumigil na sya sa pag-iyak at iginiya ako sa kanilang bahay. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapag ikot ako sa bahay nila Xyra. Ngunit ngayon, hindi ko na sya kasama.
Palakad-lakad lang ako sa bahay habang pinagtitimpla ako ng kape ni Tita Nena. Hanggang mapunta ako sa isang kwarto. Walang anu-ano'y naglakbay ang mga paa 'ko papasok sa kwartong 'yon.
Kwarto ni Xyra... Kwarto nya ang napasukan 'ko.
Nakita doon ang mga picture frame nya na kung saan may mga larawang mapapasabi ka na masaya at kuntento sya sa kanyang buhay. Eh ngayon kaya? Masaya kaya sya? Sa kabila ng nangyari sa kanya?
Kailangan nya ng hustisya.
I mentally shooked my head. Naglibot pa ako sa buong kwarto hanggang sa may nahagip ang mga mata ko. Isang kulay itim na bagay. Nasa ilalim ito ng drawer. Alam 'kong walang masama sa gagawin 'ko pero hindi ko alam kung ano ang meron sa akin at tumingin muna ako sa paligid para masiguradong walang nakatingin sa gagawin 'ko bago lapitan ang bagay na aking tinutukoy.
Kinuha ko ang bagay na 'yon. Ngunit mas lalo akong nagtaka nang makita ko na 'yon ay isang recorder. "Cathalene..." Mabilis 'kong itinago sa aking bulsa ang recorder bago pa man buksan ni Tita ang pintuan ng kwarto. "Nandyaan ka lang pala. tara at kumain ka muna sa baba. nandyan din pala yung mga kasamahan mo." Tumaas nang bahagya ang kilay ko sa sinabi nya. mga kasamahan?
Nauna nang bumaba si Tita Nena. Hindi kaya... sila Noah ang tinutukoy nya? Tsk. Agad akong napababa ng wala sa oras at nag punta sa kanilang sala. At mukhang hindi nga ako nagkamali.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK