Nagsimula na ang laban. Pinaputukan kami ng baril ng mga lalaki ngunit masasabi ko pa ring mas mabilis kami sa mga ito. Magsisimula na sana ang isa na kalabitin ang gatilyo habang nakatapat sa akin ang baril nito, ngunit buti nalang ay agad akong nakaiwas.
Mabilis 'kong hinablot ang kanyang kamay at marahas itong ipinulupot. "Urrgh!" Daing ng lalaki. "T-tama na." Tinigilan ko ito at patapon na binitawan.
Hanggang sa maya maya pa lamang ay may sumugod ngang limang lalaki. Malakas ang ibinigay ko sa kanilang mga suntok. Babarilin sana ako ng isa ngunit mabuti nalang at mabilis kong nasipa ang baril na kanyang hawak dahilan upang sa kasamahan nito maputok ang baril.
"Master!" Tinignan ko si Rouge. Hinagisan nya ako ng batuta. "Kailangan mo yan. Wag ka masyadong pakampante!" Natatawa nyang saad. Napangiti ako.
"Salamat."
At nagsimula nanaman kaming nagsuguran. Parami nang parami ang aming mga nakakalaban. Mayamaya pa nga ay nakapasok na kami sa mismong building. Mas marami ang mga kalaban dito except sa kanina.
Mabilis kong napabagsak ang nasa Sampung tao. Nakakaiwas ako sa kanilang mga baril na nagiging dahilan upang mas humanga pa sa akin ang mga kalaban.
Kinuha ko ang isa sa mga baril ng isang lalaki at mabilis na pinaputukan ang nasa aking likuran. Ngayon ay nakikita ko sila Dux na nakikipaglaban din sa mga ito.
"Ang exciting nito!!" Mukhang nag e-enjoy si ngayon si Cavin sa kanyang ginagawa. "Nasaan ang kapatid ko?!" Sigaw nito sa lalaki na ngayon ay bugbog sarado.
"H-hindi ko alam..." Hindi na nya pinansin ang lalaki at tumuloy sa pakikipaglaban katulad ko. Andaming tao ni GX sa totoo lang. Mga Isang daan katao na ang mga taong napabagsak namin ngunit mukhang hindi parin ito nababawasan.
"Noah, May problema tayo!" Mayamaya ay sambit ni David. Tinuhod ko muna ang iniingatan ng lalaki bago ito balingan ng tingin.
"Ano iyon?"
"Nawawala si Doreen. Kakatawag lang nila Rhailey." Natigilan ako sa pakikipaglaban. His plans were like his emotions. Madaling hulaan.
May isang lalaki ang aatakihin sana ako ngunit mabilis iyong nasuntok ni Klein. "Salamat naman dyan, Master!"
Tinignan ko 'to. "Gusto mo ng salamat?"
"Joke lang! 'to naman. Hindi mabiro. Hehehe."
Nalaman ko nalang na ubos na ang mga lalaki. Kasabay noon, ang isang malakas na palakpak na nanggagaling sa kamay mismo ni GX. "Hanga ako sayo, Noah. Kita mo naman... Wala kang kagalos-galos." Nakakaasar na bungad pa nito.
"Ilabas mo ang Asawa ko at si Doreen."
Tumawa sya. "At bakit ko gagawin yun? Andami pang natitira sa mga tao ko." Sukat sa sinabi ay kusa ko ngang iginala ang aking paningin. He's right. "This time, mga na training sila. Magagawa mo ba?"
"Tama na ang kahibangan mo, GX. Umalis ka na sa katawan ng Lolo ko at nang manahimik na yang kaluluwa mo, kung meron man." Naasar ito sa aking sinabi. "Buong buhay mo... Ikaw na ang kumuha nyan kay Lolo. Nagagawa mo pang galawin ang mga taong mahahalaga sa buhay nya. Alam mo, hindi ka naman talaga masama eh. Sadyang nilalamon ka lang ng inggit mo. Hindi ka marunong makuntento. Kumbaga sa isang laruan, Si Lolo ang Original, ikaw ang made in China. Mas marami ang nakakapansin sa made in China kesa sa Original. Bakit? Kasi mas mura. Ibig sabihin lang no'n, mas maraming namang nakakapansin sayo pero hindi ka parin marunong makuntento. Kaya ang lumalabas? Nakakaawa ka."
"Tumahimik kaaa!" Mabilis itong dumukot ng baril na galing sa alalay nito dahilan upang mapadaing ako. Tinamaan ako sa balikat.
"Noah!" Agad akong inalalayan nina Dux. This time ay wala na akong suot na bulletproof kaya naman kitang-kita na rito ang pag-agos ng mga dugo. "Ayos ka lang??" They worriedly asked. I just nod. Kung hindi ako tatango ay parang sinuko ko na rin si Cathalene.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK