Chapter 18: THE POV II

1.9K 44 0
                                    

R H A I L E Y

Uwian na nang magpaalam kami sa isa't isa. Napansin 'ko din ang pagiging balisa ni Cathalene. Sinubukan 'ko syang tanungin tungkol doon. "Wala 'to. Pagod lang." Ngunit ayan lang ang isinagot nya.

Hindi na ako nagtanong pa simula 'non. Kasalukuyan akong nag-iintay sa Driver ko. Antagal naman yata ni Manong? Tsk. Sa Edsa pa ata dumaan. Eh may forever nga dun eh.

Bahala na.

Nag vibrate ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ni mom, saka ko lang naalala. Wtf!

MAY FAMILY DINNER PALA KAMI!

Ilang minuto din ang lumipas nang mag decide ako na mag commute nalang. magpapara na sana ako ng Jeep kaso may bigla namang bumusina sa bandang likod ko. Napatalon ako sa gulat.

Pagharap ko,

Lumabas ang lalaki na hindi ko inaasahang nandito. Napangiti ako nang makita sya. "David..." Banggit ko. Nakangiti syang lumapit sa akin at kinunutan ng noo.

"Hmmm? Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito...sa paradahan ng jeep?" Nakangiti ngunit nakataas ang kilay na wika nya. Namula ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang pagiging close namin o ano. Masyado na akong hulog na hulog sa kaibigan ko at natatakot ako na baka dumating ang araw na ako na mismo ang bumigay.

Maamin ko sa kanya ng wala sa oras ang nararamdaman 'kong ito at hindi nya ako masalo. Natatakot akong bumagsak sa lupa at maramdaman ang sakit na hindi ko makayanan.

Ngayon palang ay kinakabahan na ako. Nanghihina na ako. Hindi ko sya kayang mawala. Pero hindi ko na din 'kayang itago pa ito.

"May Family Dinner kasi kami eh. nakalimutan ko. I'm sure sasabunin nanaman ako nyan nila Mom. yung Driver ko din kasi naman hanggang ngayon eh wala pa." Pilit ang ngiting sabi ko. Kinurot nya ang magkabilaan 'kong pisngi at saka ngumiti. Sht!

"Ang cute mo talaga. tara na nga at ihahatid nalang kita." Aniya sabay hatak sa akin. Patago nalang akong napangiti at nagpahatak na lang din.

"Salamat, David." Ngumiti ako kay David. At sa isang iglap, para bang bigla nalang akong nailang sa mga binibigay nya ngayong titig kaya't wala akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin. "L-let's go?"

"Oh..." Pumitlag sya at napakamot sa ulo. "Sorry." He mouthed. Natawa nalang ako at tumango.

Awkward. yan lang ang masasabi ko sa ngayon. Sobrang awkward ng atmosphere ngayon sa aming dalawa. "A-ano... Rhailey."

"Hmm?" Tugon ko nang hindi man lang nakatingin sa kanya. Sht! Bakit ba bigla nalang akong nailang sa kanya?!

"P-patugtog nalang tayo?"

"Ahh... bahala ka." Mariin akong napapikit. Hindi ko makayanan ang atmosphere sa aming dalawa kaya naman gumawa ako ng paraan para gumaan ang usapan.

"A-ako nala—" Ako na sana yung magbubukas ng radio nang hindi ko namalayan na nandoon na rin pala ang kamay nya. Lalo akong nakaramdam ng ilang. Mabilis 'kong inalis ang kamay ko na nakapatong sa likod ng kanyang palad at pilit na ngumiti.

Pansin 'ko ang pag lunok nito ng maraming beses. Nag-iwas agad ako ng tingin. "Hehehe. Mas maganda kung ako nalang yung m-magbubukas." Dahan- dahan akong tumango.

"S-sige."

Tumugtog ang Secret love song ng Little mix. Lalo akong pinagpawisan. Ano ba ang nangyayari sa 'kin?!

🎶🎵When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor

I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
'Cause I'm yours

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon