Chapter 46: Blood Stain

1.7K 38 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari kanina sa Park. Sabi kasi nila sa akin na lalaban pala sa Car racing si Noah sa susunod na araw. Ewan ko ba! Pero nag-aalala talaga ako sa kalagayan nya.

Lalo na't nalaman ko na ang makakalaban nya ay si Drek Leeward. Sya rin 'yong dating nakalaban ni Noah at kaya lang naman ito nanalo, dahil sobrang dumi nitong maglaro. Madaya sya. Hindi ko na alam kung ano ang pandadayang ginawa nya noon pero madaya raw talaga 'to.

Isa pa ang kinakatakot ko ay makakalaban din nya 'yong Michael Joo Tye. Kung hindi lang ako seryoso ngayon, matatawa nanaman ako eh. Kaso... ibang usapan na kasi. Isa pala ito sa pinaka magaling na racer sa bansa!

Oo nga't magaling talaga si Noah pag dating sa karerahan pero kinakabahan parin ako para sa kanya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang. Binabagabag din ako ng mga sinabi sa akin nila Charie kanina.

Naalala ko na sinabi nya sa akin na mag move-on na daw ako sa Noah na 'yon. Marami pa daw iba dyan na kung saan, hindi ako lolokohin at tutuparin ang mga pangako. Deserving kumbaga. Ipakita ko raw sa kanilang lahat na matapang ako. Magbago raw ako at ipakita ko kay Noah na wala na syang halaga sa akin. Medyo nagtaka pa nga ako kasi nang sabihin yan ni Charie, nasiko sya ng bahagya ni Maureen.

Ngunit inaamin ko, napaisip din ako sa sinabing 'yon ni Charie. Kaya naman simula bukas, hindi ko na sya lalapitan katulad ng mga ginawa ko sa kanya noong nakaraan. Wala man kaming maayos na Closure, atleast alam ko na sa aming dalawa, sya ang nagloko. Sya ang sumuko at sya ang hindi tumupad sa kanyang mga sinumpaang pangako. Hindi sya deserving sa pagmahahal ko.

*Hays, ang hirap palang magmahal.*

Ayan agad ang bumungad na post galing sa isang friend ko sa fb. nag comment ako.

*Sobra*

Ibinaba ko na ang CP ko at nagpasya nang maligo. Nang matapos ako ay agad na bumungad sa akin si mama na nanonood sa Tv. Napabuntong hininga ako. Lagi nalang ganyan si mama. Hindi kaya sya naboboring?

Humalik na lang ako sa pisngi nito at saka nagpaalam. "Goodbye, nak!"

Habang naglalakad, napansin ko agad ang isang pigura ng lalaki na mukha atang nasiraan. "Sir? nasiraan po ba kayo?" Nilapitan ko sya. Napatingin ito sa akin at sa di inaasahan, parang nakita ko si Noah. I shook my head mentally. iniisip mo nanaman sya, Tsk!

"Oo. Hija eh. pwede bang makahingi ng tulong? lowbat kasi ang phone ko." Kung bata pa ito, malamang nainlove na ako sa kanya. Hehehe. Sa tingin ko kasi gwapo 'to no'ng mga kabataan nya. Aisssh! bakit ba nakikita ko talaga sa kanya si Noah?!

"P-pwede po." sagot ko. Lumayo muna ako dito saglit at saka tinawag si Manong Edgar. Sya minsan ang nag-aayos ng mga sirang sasakyan. Saka kapit-bahay lang din naman namin sya.

"Salamat, Hija." Sabi sa akin ng lalaki.

"Walang ano man po, sir." Yumuko nalang ako bilang tanda ng pag galang at saka na hinakbang ang mga paa patungong sakayan.

Sasakay palang sana ako sa jeep nang kumunot ang aking noo. Sapagkat napansin ko nanaman kasi ang itim na sasakyan na halos tatlong araw nakaparada sa harapan ng bahay namin. Di ko nalang iyon pinansin at sumakay ng Jeep.

Nang makarating ako sa M.A, tumaas ang kilay ko nang hindi ako papasukin ng Guwardya. "Pero may I.D po ako."

"Pasensya na ma'am, napag-utusan lang." Ayan nanaman ang lintanya ng mga 'NAPAG-UTUSAN LANG' tss.

"Sino ba ang nag-utos sayo?"

"Kameeeee~" Napatingin ako sa'king likuran at ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo nang makita ang apat na babaeng nakangiti ngayon sa akin ng nakakaloko.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon