Nandito na ako ngayon sa Classroom. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Noah kanina. Alam ko namang nagbibiro lang sya. Pero hindi ko rin maiwasang isipin kung may nagawa ba akong kasalanan. Nakakainis!Nang magpalabas na ang teacher namin, agad kong hinabol si Noah at hinarangan ang daraanan nya. Bakit ba ang cold nya sa akin? "Why?" Poker face nya akong hinintuan. Tama ba itong nakikita ko ngayon? Yung mga tingin nya sa akin, parang wala ng halaga. I mentally shook my head.
Hindi dapat yan ang iniisip mo, Cath!
"Noah naman! bakit ba ang cold mo na sa akin? Last time I check, wala naman tayong pinag-awa---"
"Babe!" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang isang boses ng babaeng tumawag kay Noah. Mabilis itong lumapit sa taong nasa harapan ko at ganoon na lamang ang pagsakit ng aking dibdib, pagngilid ng aking mga luha, nang makita ko na hinalikan nya si Noah. Hindi sa pisngi, kundi sa labi.
Napayuko ako. Naikuyom ang mga palad. Ang reaksyon ni Noah? Wala. "Hey, Cathalene! Sorry I didn't notice you." Tinarayan ako ni Trina. Hindi ko alam pero kahit sobra na akong nasasaktan sa mga oras na'to, nagawa ko paring magsalita.
"7:00 M-Mcdo." Ayan lang ang sinabi ko at umalis na. Sana naman na gets nya ang ibig kong sabihin. Sana mamaya ay magpunta sya.
"Ano daw, Babe?" Rinig ko pang tanong ni Trina habang lumalayo ako sa gawi nila.
"I don't know." Tumulo ang luha ko. Alam ko na dadating sya. Dadating. Pinunasan ko ang mga luha ko at dumiretso ng Cafeteria. Pinagtitinginan man ako ng mga estudyante, wala na akong pakialam.
"Ate Cath?" Mula sa kung saan, mayroong bata ang kumalabit sa akin. mukha syang freshman. "Ate Idol po kita!!" Nagulat ako nang yakapin ako nito. Ang cute nya.
"S-salamat. hehe." Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin.
"Pwede po bang makasabay ko kayong mag Lunch?" Tanong nya habang pumupuso pa ang mga mata. Natawa lang ako sabay tumango.
"Sure. why not?" At nagpunta na nga kami sa isang table.
"Ate alam nyo po ba... hindi ako naniniwala sa mga rumor na niloko nyo si kuya Allister." Pagbubukas nya ng usapan na kumuha sa atensyon ko.
"Ano bang klaseng Rumor yan?"
"Yung hiniwalayan daw po kayo ni Kuya Allister kasi... parehas na kayong nagsasawa sa isa't-isa. pero kung sino man daw ang mas nagsasawa, sabi nila ikaw daw yun." Nakagat ko ang labi ko at mapait na natawa. Ano ba talaga ang nangyayari?
Ako kasi, WALA AKONG IDEA.
Basta ang natatandaan ko lang, nagising ako. Sabi nila five days akong tulog at tama nga naman. Pero simula no'ng magising ako, nangyari na ang lahat ng ito. Ayaw na agad sa akin ni Noah. Sabi nya nagsasawa na sya.
Ngunit alam ko na hindi gano'n ang Noah na nakilala ko. Alam kong may dahilan sya. Pero ang hindi ko alam, kung ano ang sisimulan. Paano ko ito malalaman?
"Ganun ba? hayaan mo nalang iyon." Sabi ko na lang sa batang kaharap ko at nagsimulang kumain.
"Anyways, kung wala kang kausap ate, pwede po ako. pwede nyo sa akin ilabas lahat ng problema nyo. ako po si Chyza Javier!" Nginitian nya ako habang labas ang dimple. I tapped her head.
"Nice to meet you, Chyza."
Daldal lang nang daldal ang bata hanggang sa tumunog na ang bell. "Hala! kailangan ko na pong umakyat baka po malate ako. salamat sa pakikipag-usap ate Cath!" Nag wave muna sya sa akin bago umalis. Ngiti lang ang isinagot ko dito.
Susubo na sana ako ng pagkain nang may maramdaman nalang ako na tumabi sa akin. Agad akong napangiti nang makilala ko kung sino ang mga ito. sila Shara, Maureen, Charie, Rhailey, Kuya Cav at... si Rouge lang naman.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK