Ilang araw ang lumipas nang dumating na rin ang sembreak. Ang iba ay excited na magbabakasyon sa probinsya habang ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.Nandito ako ngayon sa kwarto habang naglalaro nang kung ano sa aking cellphone. Buti pa si David at Rhailey may naka schedule na date sa kanila ngayong araw. Habang ako ako, wala.
Maya maya pa ay nag ring ang aking cellphone. Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Beshie! Magbihis ka, dali!!!" Bungad ni Charie dahilan upang kumunot ang aking noo.
"Bakit?" I asked.
"Pupunta tayong Palawaaaaan!" Nasamid ako matapos marinig ang kanyang sinabi. Ano daw?!
"Ano?! Ano namang gagawin natin doon?!" Napasigaw na tuloy ako ng wala sa oras.
"Nako. Wag ka ng maraming satsat. Susunduin ka namin dyan nila Mau. Ok? Bilis! Bilis!" At bago pa nga ako makapagsalita ay namalayan ko nalang na nakababa na ang linya.
Tamad akong bumangon. Ano namang gagawin namin do'n? Saka bakit ang layo? Teka, hindi kaya... doon kami magbabakasyon?
What?!
Nang matapos akong maligo ay agad na bumungad sa akin si mama. "Oh, saan ka naman pupunta?" She asked.
"Ma... Pwede bang magpunta ako sa palawan?" Nabuga ni mama ang tubig na kanyang iniinom sa akin dahilan upang mabilis akong mapalayo.
"Ano?! Nagpapaalam ka sa akin na magpuntang Palawan?! Nahihibang ka na ba? Sinong kasama mo? Paano pag nawala ka? Paano pag nadukot ka ng nga sindikato?!" Sunod-sunod na kanyang wika na hindi ko alam kung galit ba o ano.
"S-sila Charie naman kasama ko." Bahagya akong nagpaawa. I heard mama sighed. Sana payagan ako. Sana payagan ako. Sana payagan ak---
"Hindi!" Naupo si mama sa sofa at doon nga kinain ang pop corn na kanina nya pa hawak. Napayuko na lang ako.
"Hello Tita." Kusa akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kahit si mama ay gulat na napatingin rin sa pintuan at napatayo. Halos matapon pa nga ang popcorn.
"Noah?" Mabilis na nilapitan ni Mama si Noah sabay hinawakan sa pisngi.
"Kilala nyo po ako?" Napakamot ito sa ulo. Ay, oo nga pala! walang naaalala 'tong isang 'to!
"Ma!" Nang mapatingin ito sa'kin ay sinenyasan ko ito na wala pang naaala si Noah. Dahan-dahan namang binitawan ni mama ang kanyang pisngi at pinaupo sa sofa.
"Wag na po. Ipagpapaalam ko lang sana itong si Pusa para sa bakasyon namin." Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin, Kasama si Noah? "Kaso ayaw nyo po ata kaya makakaa---"
"Ano ba yan! Wala naman akong sinasabing ayoko. Hehe." Kung malaki na kanina ang mata ko ay mas lalo pa atang lumaki ngayon! "Ikaw, Catha! Magbihis ka na. Pag-iintayin mo pa itong gwapong batang ito. Jusko! Ang bagal talaga kumilos. Ako na maghahanap ng damit mo! Tara na!" At hinatak na nga nya ako papunta sa taas. Napasapo nalang ako sa sariling noo.
Jusko po!
Ilang minuto lang naman ang itinagal ko sa pag-aayos at bumaba na rin. Nakita duon ko si Noah na nakaupo sa isang couch na para bang malalim ang iniisip.
"Barko... Tara na!" Tawag ko dito. Bahagya itong tumingin sa akin at saka tumayo.
"Sige po, Tita. Maraming salamat po." Magalang na paalam nito kay mama. Ang sarap pag sabihan ni Noah na huwag magsasalita nang ganyan sapagkat lalo akong nahuhulog.
"Sige. Ingat kayo, ah? Alagaan mo ang anak ko." Hinalikan kami nito sa aming pisngi pag tapos ay hinatid na nga sa gate. Nang makalabas ay agad na nahagip ng aking mata ang isang magarang kotse na nakaparada sa labas.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Fiksi RemajaJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK