Chapter 39: 96-97

1.6K 46 1
                                    

Nakaluhod ako ngayon habang umiiyak. Ang mga luha ko ay tila ilog na walang tigil sa pag-agos. Lalo lang akong napaiyak nang maramdaman ko syang lumapit sa akin at hinaplos ang mga buhok ko.

Lumuhod ito para pumantay sa akin. "Wag ka na ngang umiyak! Tsk. bakit ba hindi kita kayang tiisin?" Wika nito. Nagtatampo parin ako.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at tsaka ko lang napagpasyahang tumayo. Tumayo na rin sya. Gaya-gaya. "M-malapit na yung laban nyo. baka mamaya may makakita pa sa atin. Masisira image mo. Kasi kasama mo yung Cathalene Roa na-" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla nya akong hagkan. Mahigpit ako nitong niyakap na para bang anytime ay mawawala ako.

Nakagat ko ang labi ko. Sya din naman eh, hindi ko sya kayang tiisin! "Mommy Minnie, wag ka ng magalit sa akin, oh?" Hinarap ako nito at pinunasan ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Pleaseee?"

"Oo na. bitawan mo na ako. baka mamaya may makakita pa sa atin at malaman nila na GF mo ako." Eh diba nga kinahihiya nya ako?

Narinig ko syang natawa dahilan para mapatingin ako dito. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?

Magsasalita palang sana ako kaso nalaman ko nalang na hatak-hatak na nya ako papalabas ng Middleton. "Anong ginagawa mo?" Pilit koong binabawi ang aking kamay pero patuloy lang sya sa paghila sa akin. "Ano ba, Noah! malapit na yung laban nyo sabi eh!!"

Huminto kami sa harap ng mga taong nasa labas ng Middleton. Namayani ang bulungan at mga kilig sa kanila. Habang sa akin naman ay namayani ang hiya. Buti na lang at hindi na gaano karami ang tao dito sapagkat ang iba ay nasa loob na ng gym. "Gagawin ko 'to para mawala na yang mga bumabagabag sa isip mo." Kinindatan nya ako.

"Ano ba---"

"Attention please! Ladies and gentlemen, I want you to meet my girl. Cathalene Roa." Gulat, kaba, excitement, saya at kung ano-ano pa ang nararamdaman ko ngayon! Ano ba itong ginagawa ni Noah! "Wala ng pwedeng mag may-ari sa kanya because she is already mine." Nagulat ang mga tao sa sinabi ni Noah. "I Love her at hindi ko sya Ikinahihiya!" Lalo akong nanigas nang isigaw nya iyan sa harapan ng maraming tao.

Ako? Pinagdadasal ko na kay Lord na kainin na sana ako ng lupa. Nagsigawan ang mga tao at yung ibang babae naman ay nagbulungan. Halo-halo sila. may galit sa akin, naiinis. Meron namang kinikilig sa amin at masaya para sa amin.

Ano ba ang pumasok sa utak nito at ginawa nya ganitong klaseng bagay. "Noah..." Pinilit ko syang awatin kaso ang loko, hindi nagpapatinag!

"I really really Lover her!! Kaya sa oras na manalo kami ngayon, o kahit hindi na, ipapaalam ko pa rin sa lahat na sya ang taong mahal ko!" Muli nanamang nanlaki ang mata ko. Humarap sa akin ngayon si Noah at dahan-dahang hinawakan ang aking mga kamay.

"Kyaaaaaah~" Sigawan pa nila.

Nagsimula nanamang maghuramentado 'tong puso ko. Lahat ng dugo ko ata ay umakyat sa pisngi ko. At kahit madaming tao ngayon dito, pakiramdam ko ay kami lang dalawa.

"Mommy Minnie." Nginitian nya ako. "Lahat ng sinabi ko kanina ay hindi totoo. kaya please..." Dahan-dahan syang lumapit sa akin. "Bati na tayo, oh?" Muli nanamang naghiyawan ang mga tao. Meron na ding nag v-video sa amin.

Pero wala na sa akin ang mga bagay na iyon. Lahat ng halo-halong emosyong nararamdaman ko kanina ay naging isa. Saya. Saya ang nararamdaman ko ngayon. Wala ng iba kundi saya lang.

Tumango na lang ako sa tanong ni Noah. Ngunit bago ang lahat, ako na ang unang yumakap dito. Ginantihan nya ang yakap na 'yon dahilan para mapangiti ako.

"I love you Cath, till the world ends." He kissed my forehead. "Hindi kita kayang tiisin mahal ko. Sorry sa lahat."

Napangiti ako. "Ikaw din naman eh. hindi kita kayang tiisin." Sabi ko pa.


Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon