C A V I N
Nandito kami ngayon sa private room kung saan natutulog ang kapatid ko. Daplis lang ang bala na tumama sa bandang braso nya kaya naman hindi ganoon kalala. Ayon sa doktor, nahimatay lang daw ang kapatid ko dahil sa kanyang phobia.
Napahinga nalang ako ng malalim. Ako muna ang nagbabantay kay Cath since si Tita ay may inaasikaso at ang boyfriend nya naman na si Allister ay may importanteng ginagawa. Sana maging ayos pa ang lagay ni Cath pag... nagising sya.
Hanggang ngayon ay nanggagalaiti pa rin ako sa taong gumawa nito sa kapatid ko. Kaya ko pang mag chill sa mga oras na'to pero pag pumangalawa, papatayin ko na lahat ang taong gagalaw sa kapatid ko.
"Babe..." Nagulat ako nang may isang babaeng kumapit sa'king braso. Napatingin ako ngayon sa taong kauna-unahan kong sineryoso. "Baka gusto mo munang magpahinga? ako muna ang magbabantay dito." Sabi pa ni Mau habang hinihimas ang aking braso.
Nginitian ko sya. "Oo nga eh. pagod na rin ako." Tumayo na ako. "Ikaw muna dito, ah? matutulog lang ako." I kissed her cheeks bago lumabas sa kwarto. Palihim akong napangiti. Kinikilig ba ako? P*ta! ang bakla! hahahaha!
Pagkauwi ko sa bahay, muli nanaman akong napabuntong hininga. Hanggang sa naisipan ko na i-dial ang number ni Dux. "Hello?" Sagot nya.
"Ano na ang meron dyan?" Nakapikit kong tanong dito habang hinihilot ang sariling sentido.
"Hindi ko alam, Bro. eh si Cath? gising na ba?" Kalahating araw na rin kasi ang lumipas pero hanggang ngayon ay natutulog parin ang kapatid ko.
"Hindi pa. si Maureen ang nagbabantay ngayon sa kanya." Sabi ko.
"Eh ikaw nasaan ka?"
"Magpapahinga lang ako. baka kasi napapagod na ako eh noh?" Sarcastic kong sabi. Pinapagaan ang usapan.
"Baliw! Sige na. ibaba ko na."
"Wait. eh ano ng nangyayari kay Allis--- *Bang* Dux!? Dux!" Napasigaw ako. Tama ba ang narinig ko? Putok iyon ng isang baril! Damn! Bago ko pa malaman, nakababa na ang linya! Urghh!
Patay ka talaga sa akin gag* ka! Agad kong kinuha ang jacket ko at lumabas na sa Condo unit. Mabilis akong sumakay sa kotse at saka iyon pinaandar ng parang wala nang bukas.
Nang makapunta ako sa isang bulok na warehouse, malayo palang nakikita ko na ang mga nagkakagulo. Tumakbo na ako papunta ro'n matapos i-park sa malayo ang sasakyan.
Pagkapasok ko palang, napansin ko na agad si Allister na nakikipag bugbugan sa mga walang kwentang Gangster! Na kung saan, sila ang may kasalanan kung bakit nadaplisan ng bala ang kapatid ko!
Hindi na ako nagulat nang sabay-sabay pinabagsak ni Allister ang sampung tao sa loob lang ng ilang segundo kahit na mag-isa lang ito. Hindi naman sya ang magiging leader ng Black Rose kung hindi sya ganyan kagaling.
Agad kong pinakiramdaman ang tao sa'king likuran bago umiwas sa gagawin nyang pagsugod. Mabilis akong yumuko at saka umikot upang masipa ang itlog ng lalaking ngayon ay namimilipit na sa sakit. Tss. Wala naman akong naramdaman! mas malaki pa nga ata ang sa akin! hahahaha. P*ta! ano ba 'tong pinagsasabi ko?
Iginala ko ang aking paningin. Ngayon ko lang nalaman na sobra na palang dami ang mga kalaban naming lima dito sa bulok na warehouse.
Dalawa na silang kumakalaban sa akin. Nang susuntukin sana ako ng isa, agad akong umiwas at sinuntok yung isa nya pang kasama. Nang matapos 'kong suntukin yung kasama nya, sya naman ang pinuntirya ko kaya ayon yung asawa ni Bakekang, tulog.
"Damn you!" Narinig kong sigaw ni David. Anim pala ang kalaban nito kaya di na ako nagdalawang isip pang sumali. Ngayon ay kaming dalawa na ang nakikipag suntukan sa mga mukhang kabayo. "Sino ang nagbabantay kay Cathalene?"
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Ficção AdolescenteJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK