Kinabukasan ay naging maganda naman ang araw. Umuwi na ulit sa Maynila si Mr. Rey. Habang kaming magbabarkada ay Sinusulit ang panahon ng Sembreak."Guys!" Hinatak kami ni Maureen na bahagya pa naming ikinagukat.
"Ano ba, Mau? Dead tuloy!" Wika ni Shara na may kung anong kinakalkal sa kanyang Cellphone.
"Hindi ko na kaya..."
"What do you mean?!" Rhailey asked. Halata mong nabigla rin sya sa sinabi nito.
"Magpapakamatay ka?!" Wika naman ngayon ni Shara dahilan upang mahina itong mabatukan ni Maureen.
"Hindi gano'n!"
"Gaga! Parang alam ko na pinagsasabi nito ni Mau eh. Ibig bang sabihin nyan... Hindi mo na kayang malayo sayo si Cavin?" Nagulat kami nang bigla na lang itong tumango sa tanong na iyon ni Charie.
"So what's your plan?" I asked.
Maureen grinned at us. "Lapit kayo..."
---
Pinuntahan namin ang mga lalaki upang sabihin sa kanila ang plano. Payag naman si Noah. Sa una nga ay natatawa ito ngunit nang tignan ko 'to ng masama ay tumahimik din naman.
Makaraan ng ilang oras ay dumating na nga ang gabi. Sinenyasan ni Rhailey si David na simulan na ang plano.
"Cavin!" Nilapitan nya si Kuya na ngayon ay naglalaro sa sarili nyang PSP.
"Oh?"
"Labas tayo." Napukaw nito ang atensyon ng taong kausap dahil sa kanyang sinabi.
"Bakit naman? Kayo nalang!"
"Bro. We need to buy now some foods." Singit naman ni Noah na lalong nagpakunot sa noo nito. Geez! baka makahalata sya.
"Bakit tayo? Diba dapat mga babae gumagawa no'n?" He asked.
"Iba na ngayon, Pare. Minsan kailangang Tayo naman ang gumawa ng ginagawa nila." Sabi ngayon ni Rusty at kinindatan pa si Shara. Umirap lang ito ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang mukha.
"Oo nga!" Sang-ayon naman ngayon ni Dux. Wala na ngang nagawa si Kuya kundi ang sumunod na lang sa mga kasama. Hahaha!
"Aish! Ano ba yan! Sige na nga." Hindi man lang nya tinignan si Maureen sapagkat dere-deretso lang ito sa pag labas. Ganoon ba talaga sya kagalit sa ginawang iyon ni Mau sa kanya?
'Di ba pag mahal mo ang isang tao, kung gaano pa kabigat ang kasalanan nito magagawa mo pa ring patawarin? Hays. Masyadong mataas ang pride ng kuya ko. Hindi nya iniisip na sa oras na makahanap ng iba si Maureen, sya at sya pa rin ang masasaktan.
"Ok lang yan, Besh. Mamaya, Malalaman natin kung mahal ka pa pala ni Cavin." Kusang namuo ang luha sa kanyang nmga mata nang sabihin iyan ni Charie. At naging dahilan din 'yon kung bakit sya yinakap ni Andrei.
"Hoy! Ano yan? Chansing ka ah?" Natawa kami nang bahagyang lumayo si Maureen kay Andrei. "Tara na. Simulan na natin!"
"Campus sweethearts?" Ibinaba ko ang palad ko sa lamesa.
"Campus Sweethearts!"
---
"Hooy! Ilagay mo yan sa Lamesa! Ayusin mo, ah?" Pabirong sinigawan ni Charie si Fionee.
"Wala naman po kayong utusan diba?" Sarkastiko namang sabi nito na nakapag-pailing na lang sa akin.
"Ghaad! Pag ako nakuryente dito!" Reklamo naman ngayon ni Trina. Maya maya pa ay nilapitan nga sya ni Mina.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Genç KurguJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK