Minsan na akong nangarap na sana balang araw ay mapatunayan ko sa sarili ko na kaya 'kong makipagsabayan sa mga taong sikat, maganda o sa pagiging perpekto.
Ngunit ngayon, nalaman ko sa sarili ko na hindi ko kailangang maging katulad nila para mapatunayan ang aking sarili. Nagpakatotoo lang ako. At ngayon nga ay nandito si Noah Allister Villejo. Sa tabi ko at pinaparamdam sa akin na kahit hindi ako sikat, mayaman, maganda, o perkpekto, ako parin ang nag-iisang taong minahal nya at patuloy nyang mamahalin.
Hays, ganoon ba ako kalakas kay Lord? Para bigyan nya ako ng mga totoong kaibigan at gwapo, mapagmahal, matalino, suplado pero mabait na si Noah? Madalas ay maipangako ko noon sa aking sarili na saka na ako mag j-jowa pag tapos na.
Pero ngayon nga ay kinain ko lahat ng aking sinabi. Hindi naman masama ang mag girlfriend o boyfriend eh. Alam nyo lang dapat ang limitasyon nyo at alam nyo kung paano respetuhin ang isa't isa. Gawin natin silang inspirasyon para magsikap tayo. At dadating ang panahon na magagawa natin lahat ng ating gusto kasama ang taong mahal at nakalaan para sa atin.
"Mommy Minnie! Ayos ka na ba?" Nilapitan ako ni Noah. Nginitian ko ito at mahigpit na niyakap na bahagya nya pang ipinagtaka. "Ayos ka lang?"
"Oo naman!" Naluluha kong sabi. Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at saka ito dinampian ng isang mabilis na halik sa kanyang labi. "Mahal na mahal na mahal kita, Daddy Mickey.".
Ngumiti sya. "Mi aime jou, Cathalene."
"Hoy! Mamaya na yan!" Biglaang sigaw sa amin ni Shara. Natawa nalang kami ni Noah. Kasalukuyan kaming nasa dressing room at nagpalit na para sa susuotin namin mamaya.
"Grabeeee! Andaming tao sa arena!" Parang pagod na wika ngayon ni Ate Shakira pag dating. Agad syang nilapitan ni Kuya Kiel at inalukan ng tubig. "Thanks, Hon."
"Welcome."
"Gaano karami?" Tanong naman ngayon ni Maureen.
"Ay jusko, Mau! Sobraaa!"
"Wait lang titignan ko." Bahagyang sumilip si Charie at nang makabalik nga, "Waaaah! Andami na nga. At mag-uumpisa na raw."
"Kaya na 'tin 'tooo!" -Shara. Habang pinapalakas ang loob.
"Kakayanin basta para sa Campus Sweethearts!" Sigaw ni Mina kaya wala kaming nagawa kundi ang palakasin nalang ang loob.
Mayamaya pa ay mayroong dalawang mag-couple ang lumapit sa amin. "Hey..." Ang cute ng babae. Maliit sya habang yung kasama naman nito ay may pagka matangkad. Kaso malamya kumilos. Hmm...
"Kami yung pambato ng Middleton." Wika ng lalaki. Ay, Siguro malamya lang sya kumilos. Ang laki kasi ng boses nya eh. Tsaka as far as I know, Mag bf-gf itong dalawa.
"Nice to meet you." Nakipag-kamay si Kuya sa dalawa. "Galingan nyo, ah?"
"Oo naman! Anyways, Alam nyo ba na minsan na namin kayong naging inspirasyon? Hindi kami aabot dito kung hindi namin kayo naging inspirasyon ng Boyfriend ko. Right, Babe?" Tumingin yung Kristelle sa boyfriend nya na si Jhoren. Kung hindi ako nagkakamali sa kanilang pangalan.
"Yes. Kaya kung sino man sa atin ang palarin, Ipagsasalamat ko pa din kung magiging kayo iyon." Jhoren said.
"Kami rin. Salamat at naging inspirasyon nyo kami." Sagot naman ngayon ni Rhailey.
"Ang gaganda nyo kasi eh. tapos ang g-gwapo pa." Namula ang mukha ni Kristelle habang natawa nalang ang boyfriend nya including us—Campus Sweethearts.
"Hay nako, Sabihin mo na kasi yung Ipinunta mo dito, Babe. At magsisimula na ang program." Jhoren said habang inaayos ang hawak na camera. "Gusto kasi ni Tetel na magpa-picture sa inyo. Malapit na rin kasi ang birthday nya kaya wala akong magawa." He shrugged at nginitian nga ang kanyang girlfriend trying to say na it's alright.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Fiksi RemajaJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK