Chapter 28: Spin the Bottle

1.8K 39 5
                                    


Lumipas ang mga oras, dumating na nga ang dilim. Nang marinig ng mga kasama ko ang recorder, katulad lang ng reaksyon namin ni Noah, ito din ay ikinagulat nila.

Kasalukuyan kaming nasa rooftop at tahimik na umiinom ng isang klase ng alak. Hindi kasi namin makuhang mag saya dahil sa mga nalaman namin ngayong araw.

"A-ang awkward naman!" Biglang sumigaw si Shara na nakaagaw sa atensyon naming lahat. "Mag game nalang kaya tayo?"

Sabay-sabay kumunot ang noo namin. "Anong game naman yan?" Nagtatakang tanong ni Kuya. Tumingin sa kanya si Shara at ngumiti. Uh-oh! Mukhang lasing na ang isang 'to at puro kalokohan na lang ang iniisip.

"Spin the bottle!" Pag tapos ay inilabas nya ang kanina pang tinatago-tagong bote. Seriously?

Spin the bottle?

"Aishh! lasing ka na eh. anong spin the bottle sinasabi mo dyan??" Reklamo ni Rusty. Nag pout tuloy ang bruha.

"Bakit? anong masama? ang boring kaya! 2 nights lang tayo dito kila Cath bakit hindi pa natin sulitin?"

"Tama!" Agad na sumang-ayon si Charie na mukhang lasing na rin. Wala akong magawa kundi kagatin ang sariling labi.

Sure sila? maglalaro kami ng ganyan? Huhuhu!

"Oh sige!" Inayos ni Rhailey ang damit nya at bahagyang tumikhim. "Mag botohan nalang tayo! magtaas ang kamay ng mga gustong mag spin the bottle!!" Pagkatapos ay itinaas nya ang kamay nya na sinundan naman nila Maureen, Charie at Shara.

Tumingin sila sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago nga mag taas ng kamay. Hayy buhay nga naman oh!

Ngunit sabay sabay nanlaki ang mga mata namin nang biglang magtaas ng kamay si Noah. At nagawa nya pa talagang mag poker face sa ganitong sitwasyon! Ha! Kakaibang lalaki.

Sinundan ito ni David hanggang kay Dux, at kuya Cavin. Kaya wala nang nagawa si Rusty kundi ang sumang-ayon na lang din.

Mabilis na napayakap si Shara sa braso ni Rusty. "Yeheyy!! Baby Loves! nagtaas ka ng kamay!!" Agad nya itong hinalikan sa pisngi na naging dahilan ng pag ngiti ni Rusty at mukhang ako lang ang nakapansin 'non! Wtf! Ngumiti syaaaa!

Kyaaaaahhh!

"T-tumahimik ka nga!" Pagtataboy nya dito. Sus! if I know, gustong gusto nya yung ginawa ni Shara. Idenial din ang isang 'to eh!

Mayamaya, konting pag-aayos lang nang magsimula na nga ang spin the bottle. And since ako naman daw ang may-ari ng bahay, ako ang unang mag-iikot.

Inikot ko na ang bote at saktong tumapat ito kay Rusty. Sandaling hiyawan at kantyawan ang naganap. "Ok tahimik! Truth or Dare?"

"Truth."

Tumikhim ako. "Kailan ka magiging Indenial?" At dahil nga sa tanong ko, puro batok at sigaw ang natanggap ni Rusty sa aming mga kasama.

"A-ano bang klaseng tanong yan? Indenial saan?" Pa inosente pa ang loko! Hmm... Mukhang sinusubukan ako ng mokong ah!

"Saan pa ba? Edi sa Indenial sa feelings mo para kay Shara!!"

"Owwwww!!" Biglaang kantyaw ng mga lalaki. Napangisi ako.

"Kyaaaahh! kinikilig ako. Haha!" Boses ni Charie.

"Shems. Ang cuteee! namumula si Rustyy!"- Maureen.

"Hahahaha. ayaw pa kasing aminin!" Saad ni Rhailey. Tinignan namin ngayon si Shara na parang walang pakialam sa nangyayari. Panay inom lang sya ng hawak nyang alak.

Lalagok pa sana sya ng isang beses ngunit pinigilan sya ni Rusty. Nagsimula na naman ang kantyawan. "Hi! Baby Lovesss!" Hanggang sa hindi na sya napigilan nito nang inumin nya na ang hawak.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon