Matapos ang lahat, bumalik na kaming pare-pareho sa Classroom. Nagtuturo ngayon si Sir. Gumabay. "Ok Class. dahil sampu lang kayo dito, gagawa kayo sa akin ng Project." Tinignan nya kami isa-isa. "Actually, tungkol ito sa History." Dagdag nya.
Nagtaas ng kamay si Charie. "What do you mean, sir?" She asked.
"I mean... gagawa kayo ng isang short film tungkol sa History." Nagsimulang nagbulungan ang iba dahil sa gulat. A film? "C'mon! wag na kayong magdalawang isip. gagawa din ang star section."
"Sa kanila ba yung classroom sa kabila?" Tanong ni Rhailey. Tumango naman si Sir.
"Yes. sa kanila nga yun. Gagamitin kasi ng ibang section ang classroom nila kaya sila lilipat sa katabi ng classroom nyo,"
"Ahhh kaya pala..."
"Anyways, ba't ba tayo napunta sa topic na yun? Last time I check, pinag-uusapan natin ang Short film. Ok. ang gusto ko lang sabihin na gumawa kayo ng isang Short film tungkol sa History. I don't care kung anong klaseng History or Plot iyang gagawin nyo basta ang Concern ko lang is may kinalaman sa History. Got it? And one more thing, ang Short film na mananalo ay ipanlalaban sa iba't-ibang school's Including Middleton Academy. ipapasa nyo ang SF na ito sa susunod na linggo."
Ano? Hindi madali ang short film. Lalo na't marami rin kaming ginagawa ngayon. Tsk!
"Ano? Isang Linggo na!?"
"Yes. kaya kung ako sa inyo, simulan nyo na. ang section na ito ang pinaka special dito sa buong Campus. so please... make sure na matatalo nyo ang Star Section. Tandaan nyo, hindi ito isang labanan. Isa itong project na kung saan gagawin nyo para maging proud ako sa inyo." Ngiti lang ang ipinamalas ng aming guro bago magpaalam.
"Salamat sirrrr!"
"Guys! Compress!" Sigaw ni Maureen matapos makalabas ni Sir. Hindi na ako tumayo kasi sa mismong pwesto ko naman sila nagsilapitan. Pansin ko na itinabi ni Noah ang silya nito sa akin at walang habas akong tinitigan. Napansin din 'yon ng iba. "Noah. pwede ba? kahit ngayon lang?"
"Hoy! Maureen wag mong ginaganyan si Master namin!" Pabirong sabi ni Rusty. Napairap lang ito at magsasalita na sana nang bigla syang hagkan ni kuya mula sa likuran.
Bigla akong napaisip sa ikinilos ni Kuya. Oo, kinikilig ako pero syempre, bilang kapatid nya na kilalang kilala na sya, hindi ko maiwasang isipin kung seryoso na ba talaga si Kuya kay Maureen. Ayoko kasing masaktan si Maureen sa dulo sapagkat mahalaga na rin sya sa akin.
"Ok. ang gagawin natin is... wait!" Pumitik ito na para bang may naalala. "Sino ang bibida?"
Wala nagsalita sa tanong nito. Hanggang sa tumingin silang lahat sa aming dalawa ni Noah. Pinasadahan ko ng tingin si Noah na ngayon ay parang nagtataka narin sa ikinikilos ng mga kasama namin. Pero isa lang talaga ang sigurado ko sa ngayon, parehas na kaming may Idea kung bakit.
"Oh C'mon! I'm not into those kind of things!" Napipilitang tumawa si Noah ngunit umiling lang sila. Habang ako naman ay napapalunok na. Ito ang first time kong aarte sa harap ng camera. Duh! Dati naman kasi hindi ako pinag-aarte sa camera. Lagi lang nila akong ginagawang staff. Utos doon, Utos dito chuchu.
"Ano?" Sabay-sabay silang nagkatinginan at saka sumigaw nang...
"CATHLISTER!"
Nandito na ako ngayon sa Classroom ng Language subject. Katabi ko ngayon si Rouge at Noah. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala naman talagang ginawa.
Siniko ako ni Rouge. "Bakit parang pagod na pagod si Master? may ginawa kayo, noh?" At dahil sa bunganga nito, nasiko ko tuloy ang loko.
"Anong ginawa!?" Bulong ko rin. Natawa ito na inirapan ko nalang at mayamaya pa, parehas nalang kami nagulat nang tumayo si Noah sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Fiksi RemajaJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK