Chapter 32: Mo ni fe

1.7K 46 0
                                    


S H A R A

Nandito ako ngayon sa kwarto at pinagmamasdan ang mga nudes photo ni Rusty. Jokeeee!

Kayo naman masyadong nagpapaloko. Hahaha! Bait-bait 'ko eh.

Nang makaramdam ako ng pagka bagot, Nagpasya muna akong lumabas. Tumunog ang cp 'ko. Hindi ko sana ito sasagutin kung hindi ko lang nakita ang pangalan nitong tumatawag. Si tita Melanie!

Sabi nito na kailangan 'kong mag punta sa isang coffee shop at may mahalaga kaming pag-uusapan. Mabilis agad akong nag-ayos kahit na kabado. Umalis ako sa NAS resort nang hindi man lang nagpapaalam sa mga kasama.

Nang makarating, nakita ko agad si Tita na nakaupo sa isang table habang naka krus ang mga binti. Napalunok muna ako ng maraming beses bago maupo sa harapan nito.

"You're here." Aniya. Nagmano naman ako. Grabe! Kahit kailan talaga nakakatakot 'to si Tita Melanie.

Pero kahit ganyan sya, nagpapasalamat pa rin ako dito at ako ang napili nya para ipakasal sa kanyang anak. Hihi.

"Opo, Tita. uhmmm... bakit nyo nga po pala ako pinatawag?" Tanong ko. Kusang bumaling ang mga tingin nito sa akin at hindi ko alam kung bakit may pakiramdam akong mali sa sasabihin nya. Mabilis 'kong iniiwas ang aking paningin. 

"Pinatawag kita dahil gusto kong itigil mo na 'to."

"P-po?"

Muli nya akong tinignan. "Hiwalayan mo na si Rusty. hindi na kita kailangan. pasensya na, Hija. pero hindi mo ba nakikita? walang gusto sa 'yo ang anak ko. isa pa, sinabi ko na rin sa mga parents mo. hindi na kami magka-business partners so... what I mean is, wala ng halaga ang kontrata nyo." Mahaba nyang lintanya. Natulala ako. Na kahit ang mundo 'ko ay tila gumuho na rin matapos nyang bitawan ang mga salitang 'yon.

"T-tita. w-wag naman po... p-pinangako ko naman na... balang araw mamahalin nya ako. w-wag naman po tita!" Nagmamakaawa na ako ngayon sa kanya habang sunod-sunod ang agos ng aking mga luha. Parang ilog na walang tigil. Ngunit sya, para bang walang naririnig.

"I'm sorry, Shara. pero nandito na si Keila. ang ex girlfriend ni Rusty. at ang sabi nya sa akin? mahal nya pa ang anak ko. kaya ngayon sabihin mo sa akin... ano ang laban mo?" Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

A-ano nga ba ang laban ko? Wala naman. At ano daw? Nandito na si Keila?

Mapait akong natawa. Hanggang sa napagtanto ko na lang na wala na si Tita Melanie sa harapan 'ko. Wala na akong pake kung may makakita man sa akin. basta ang alam 'ko lang sa ngayon... nasasaktan ako.

Ngunit wala akong magagawa. Tama lahat ng sinabi nya. Kailangan 'ko na ngang sumuko sapagkat kahit kailan, wala naman talaga syang naramdaman sa akin. Kung meron man, isa lang 'yong pagkakaibigan.

Kaya simula ngayon, pinuputol 'ko na ang koneksyon namin ni Rusty. Dahil kahit ang kaisa-isahang taong nagtitiwala sa akin para sa kanyang anak, ay bumigay na rin.

Ako? laban kay Rusty at Keila? Wala. Wala akong laban. Ipagpilitan ko man ang sarili ko kay Rusty, wala rin. Wala akong mapapala.

Napabuga ako ng hininga. Babalik na ako sa resort. Siguro lahat sila ay maninibago kung sakaling hindi ko papansinin si Rusty. Hahaha! siguro ang epic ng mukha ng mga 'yon.

Nang makarating na nga ako sa resort, agaran akong dumiretso sa vacation house.

Naabutan ko sila na masasayang nag-uusap even Rusty. Nakangiti sya at parang ang saya-saya nya ngayon. Napangiti ako. Nakakangiti sya ng ganyan kahit wala ako. Paano pa kaya pag si Keila na? Edi walang humpay ang sayang mararamdaman nya.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon