Chapter 67: Mr. Reynaldo

1.5K 36 0
                                    


Ilang oras na rin ang lumipas magmula nang magpaalam saglit sa amin si Noah sapagkat may gagawin lang daw itong importante. Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa mansyom.

Nakatayo lang ako dito sa tarrace habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang ganda dito. Pakiramdam ko ang laya-laya ko. Walang problema. Walang dinadamdam.

"Hi, Ate Cath." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. It's Mina.

"Haha. Wag mo na akong tawaging ate Cath. Cath nalang. Mas matanda ka pa nga ata sa akin eh." Sabi ko.

Nagkamot ito sa ulo at saka bumuntong hininga. "Who is in your brain?"

"Sino ang nasa isip ko? I mean, nasa utak ko?" Nag-isip ako. "Hmm... Yung taong mahal na mahal ko pero hindi naman ako naaalala." Tukoy ko kay Noah.

"Bakit naman?"

"May nangyari kasi eh. Mahabang kwento." Sabi ko naman. "Bakit mo nga pala natanong?"

"Kasi... Mukha kang malungkot eh."

"Alam mo kasi, Mina. Mahal na mahal ko yung taong iyon. Alam ko na mahal nya ako pero dahil hindi nya ako maalala, akala nya siguro wala na yung pagmamahal nya sa akin. At dahil nga doon, nawawalan na din ako ng pag-asa." Nangilid ang aking luha.

"Hindi ka lang pala nya naaalala eh. Bakit hindi nyo sabihin sa kanya na ikaw yan. Si Cath na Mahal nya noon pa." Napatingin ako kay Mina. Masarap din pala itong kausapin.

"Hindi kasi yun gano'n kadali eh." Sabi ko nalang.

"Alam mo Cath," Tinignan nya ako. "Hangga't maaga pa, sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo." Napaisip naman ako roon. Parang alam ko na ang Joke na 'to.

"Bakit? Kasi pag gabi na tulog na yun?" Natawa ako. Ngunit ganoon na lamang ang aking gulat nang biglaan itong umiling.

"Hindi ganun, Cathalene." Tumigil lang ito saglit at muli nanamang nagsalita. "Dahil sa oras na hindi ka umamin, baka maunahan ka pa ng iba at sa huli, ikaw din ang iiwan nya. Ikaw ang masasaktan at mahihirapan? Bakit? kasi nga, Iniwan ka nya. Hindi ka nagkaroon ng lakas ng loob. Magsisisi ka sa bandang dulo." Kusa akong natigilan sa kanyang mga sinabi. 

Bakit ganoon? Natamaan ako ng sobra sa sinabi ni Mina. Akala ko ay puro biro lang sya. Ngunit paano kung ganoon nga ang mangyari? Paano kung balang araw, Maisipan nya akong iwan at maghanap ng iba?

Nagulat ako nang bigla nalang matawa ang aking kasama. Kunot-noo ko tuloy itong tinignan. "Oh diba? Ayun ang magandang Joke, Cath. Kasi kahit kailan, hindi ka nya iiwan." Ngumiti sya. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan ang aking sarili na napangiti na rin pala.

Maya maya pa ay nagpaalam na ito sa akin. "Sige na, Cath. I will serve a food pa dito sa city of Rodriguez. because our luto ni nanay is so sarap. you wanna tikim? I can tikim-tikim you later. just make me wait for a while. ok? bye!!" Hanggang sa nawala na nga ito sa'king paningin. Natawa nalang ako. Kakaiba talaga sya.

Hanggang sa naisipan ko na bumaba na lang din sa terrace. "Oy! Lampungan pa!" Naabutan ko si Charie na pinagsasabihan ang new couple na si David at Rhailey. "Hoy, David! Hindi mo ba narinig? Ikaw naman daw ang magluto!" Tinignan nang masama ni David si Charie.

"Palibhasa inggit ka lang." Parang bata itong nagdabog at nagpunta sa kusina. Natawa naman si Rhailey.

"Baliw ka talaga, Charie! Nung ginawa mo sa Honey bunch ko?" Nag pout si Rhailey.

"HONEY BUNCHH?!" Ngayon ay sabay-sabay nilang naisigaw maging ako ay nakisali na rin. Namula naman si Rhailey at dahan-dahang tumango. May pag gano'n?

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon