Isang linggo rin ang nagdaan pero wala naman kami gaanong ginawa. Puro programs lang. Kaso hanggang ngayon, ginugulo parin ako ng mga salitang binitawan ni Noah. Magtiwala? Saan? At bakit?
I mentally shook my head. Hindi dapat iyan ang isipin ko. Kasalukuyan kaming nagsasagot sa exam at wala man lang akong ideya sa bagay na 'to. So it means, hindi ko alam kung paano sasagutan ang test papers na nasa harap ko.
And just so you know, nagawa na namin yung Short film. 20 minutes lang 'yon pero ilang oras din ang inabot. Buti na lang at matitino kami. Ewan ko ba! Natatawa nga ako sa acting ko eh. Ang panget! lalo na si Noah. Tawa nga nang tawa yung mga lalaki kasi first time daw nilang makita na nag acting ng gano'n ang kanilang master.
Todo banggit din sila na ang swerte ko. Kasi ako lang daw ang nakapagpabago sa ugali ng master nila. Dati raw ang tahimik ng lalaking 'yon at sobrang suplado. Pag ayaw nya, ayaw nya. Huwag mo syang kakalabanin kasi kahit sino, kaya nyang pabagsakin. Pero ngayon? Yung lalaking 'yon, ibang iba na sa ngayon. Siguro may iba pa ring hindi nababago at wala na akong pake doon. Sa ngayon, masaya na 'kong nakikita na nakakangiti na sya, nakakausap mo na sya ng mahinahon, at sobrang saya ko kung sakaling ang lahat ng iyon, ay dahil sa akin.
Isa pa pala, ngayon ko lang nalaman na Varsity pala dito ang limang mokong kasama na si Rouge. Si Noah ang Captain nila at hakot na hakot daw no'n ang pagiging MVP taon-taon. Kaya naman, mapapa-wow ka nalang talaga!
Bago pa ang lahat, gusto ko lang ipaalam na may laban sila this week. Ang pangalan pala ng kanilang grupo ay Black Rose. Actually, wala duon ang ibang members ng Black Rose. Sampu ata silang miyembro na nanduon. kabilang ang captain nila na si Noah.
At ito pa ang nasagap kong Chismis, makakalaban nila yung Velasquez! sa Middleton Academy. Nagulat talaga ako dahil ito at ito ang grupo ng dati kong Crush na si Kristoff!
OMG!
"Ms. Roa!!"
"Yes, Ma'am!!"
"Anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ko. Ano pa nga ba ang ginagawa ko?
"Kinakausap po kayo?" Napakamot ako sa ulo. Si ma'am, biglang namula nang hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"LABASSS!!"
Nandito na tuloy ako ngayon sa isang bench. Nakaupo habang tinatapos ang oras ni Ma'am Quinto. Tapos ay didiretso na ako sa Language Room.
Nakapangalumbaba lang ako sa ngayon habang iniisip kung ano na ang mangyayari sa grades ko the fact na wala akong exam ngayong araw!?
Naiinis tuloy ako sa sarili ko! Dati naman hindi ako ganito pero ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi na ako nakakapag-aral ng maayos! "Urrrghhh!" Frustrated kong sinabunutan ang sarili kong buhok.
Habang nagmo-moment ako dito ay may naramdaman akong tumabi sa akin. dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at nanlaki ang mata ko sa nakita. "Noah? anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa lalaking ngayon ay pinagtatawanan ako.
"Hey Mommy Minnie." He kissed my cheeks. "Tumakas ako sa teacher na'tin."
"Ano!? bakit mo ginawa yun?" Nairita ako. Inakbayan naman ako nito na ginulo pa ang buhok ko as if na parang wala lang sa kanya yung ginawa nya!
"Don't worry, Mommy Minnie, Kung anong meron ka, gusto ko meron ako. at kung anong wala ka, gusto ko wala ako. Pero hindi lahat. Hehe. Tawagin mo na akong pinaka inggeterong tao sa mundo pero ginagawa ko 'to, hindi dahil inggit ako. Kundi para maipakita ko na kahit ano kaya kong isuko para lang sayo." Ayan na ata ang pinaka mahaba, at pinaka nakakakilig na lintanya nya ngayong araw! Waaaaaaah!
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
JugendliteraturJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK