Nandito na ako sa Mall para mamili. Mamaya ay magkikita nalang kami ni Charie para sabay makapunta sa Melo Theater. Hindi ko maiwasan ang kabahan. Para akong papasok sa giyera na walang kasiguraduhan kung mabubuhay ako. OA pero ayun ang nasa loob-loob ko.Maraming nagsasabi na parang katulad sa audition ng pitch perfect ang mangyayari sa amin mamaya. Pareho na pareho raw kaya naman kailangan 'ko pang mag-abala para mapanood iyon.
Iginala ko ang mga mata ko para tumingin-tingin ng mga damit na mas babagay sa akin. Hanggang sa di nagtagal, simpleng white dress na may mga design na floral ang pumukaw sa atensyon ko. Ang ganda nya at pakiramdam ko napaka elegante nito.
Nagsimula 'kong lapitan ang simpleng white dress. Tatanggalin ko na sana ito sa pagkakasabit nang marealize ko na hindi lang pala ako ang nakahawak.Tinignan ko ang babae. Parang pamilyar yung mukha nito at sa unang tingin palang, napaka ganda na nya. Naka sunglass ito at hindi ko maipagkakaila na mukha nga syang artista.
"I'm sorry miss pero ako ang nauna." Sabi nya. Napayuko nalang ako. Napangisi ako nang makita ko ang presyo. Oo nga, hindi ko kayang bilhin. P5,500 lang naman ang halaga nito at sa presyo palang alam 'ko ng lilisanin ko nalang ito pagtapos. Lalo na't kung yung una 'kong nakita ay ang presyo. Huminga nalang ako ng malalim at sunod-sunod na tumango.
"S-sige. mukhang hindi ko din naman kayang bilhin." Wika 'ko. Ngunit bago pa man ako makalayo,
"Teka!" Mahina nya akong hinatak sa braso. I looked at her. Hinigit nya ako papalapit sa shop at tska sabay hinubad ang sunglass nya. Natulala ako. No wonder, maganda talaga sya. Isa pa, Mukhang kilala 'ko talaga ito eh!
"Bakit?" Kumunot ang noo ko. Napansin ko ang bahagyang pag hinga nito ng malalim bago magsalita.
"A-ano sa tingin mo yung magandang damit dyan bukod sa kanina?" Lalong kumunot ang aking noo gawa ng pagtataka. Bakit kailangan sa akin pa nya itanong ang bagay na 'yan?
Pero kahit nagtataka ako, sinunod ko parin ang sinabi nya. Iginala ko ang aking mata at kasabay no'n ang pagturo ko sa isang black dress. "Ayun sana. maganda kaso parang daring. parang mga artista lang ang nagsusuot. pero ang ganda nya. hehe. hindi bagay sakin yan." Bahagya akong natawa. Tinignan ko naman yung babae. Shit! Ang ganda nya talagaaa!
"Ok. ayun nalang ang sa akin. sige. sayo na yung white dress." Wika pa nito saka kinuha ang itim na dress. Nagpunta sya sa fitting room upang masukat 'to. What the! eh isang libo nga lang ang dala ko!
Nang makalabas sya, napanganga talaga ako sa nakita. She's... She's really Perfect! Namamangha talaga ako sa kagandahan nito. You know? Para syang dyosa o kaya anghel na bumaba sa lupa para maging guardian ko. char!
"Ayos ba?" Ilang beses pa ako napakurap bago tumango nang tumango. Hindi na nya kailangan tanungin ang bagay na 'yon.
"Oo naman noh!" Sumilay sa labi ko ang isang ngiti. Magsisimula na sa akong umalis nang hinigit nanaman nya ako paharap sa kanya. Huminga ako ng malalim. Ano bang meron sa babaeng 'to at panay ang hila sa akin?
Kinagat 'ko muna yung labi ko bago ulit sya nginitian.
"Wag ka munang umalis. diba sabi mo gusto mo yung white dress?" Linya pa ng babae. Tignan mo, ang bait-bait nya pa! Isa din siguro iyon sa dahilan kung bakit hindi ko sya mahindian.
"Oo nga. pero isang libo lang yung dala ko. bakit mo pa kasi ako pinagbigyan eh. dapat yun nalang binili mo. simple lang at sa tingin ko, mas babagay yun sayo kesa sa akin. Well, maganda din naman yung black pero... Mukha ka namang mayaman—"
"Bibilhin ko." Putol nya sa sinasabi ko. Ngumiti lang ako sa harap nya at saka tumango. Pinatagal pa eh bibilhin din naman pala nya. Tsk!
"Sige." Aalis na sana akong muli kaso, kinuha nanaman nya ang kamay ko! Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano eh!
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK