Chapter 24: Hurt

1.8K 41 5
                                    

Matapos ang lahat, nagpunta na kami dito sa Classroom. Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa kami ang laman ng bunganga dito sa buong Campus.

Nakatahimik lang akong kumukopya sa Whiteboard. Pag punta ko nga dito kanina, puro tanong ang inabot ko sa kanila. Lalo na yung apat na babae pati si Kuya na sobra talagang nag-aalala.

Ayoko naman na madamay pa sila. hahayaan ko nalang muna si Trina. Naisip ko kasi na hindi ako gano'n kababang tao para patulan pa sya. Hays.

Bumuntong hininga ako. "Class dismissed." Pagkasabi no'n ng teacher namin, ako na ang unang lumabas. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtanto ko na wala akong natutunan sa mga lessons ngayong araw.

Sabay-sabay na kaming lumabas papunta sa Cafeteria. Kanina pinaalam sa amin ni Proffesor Melba ba kami ang gagawing pambato ng Melochords Academy sa dadating na Band battle. Ngunit sinabi rin nya na matatagalan pa 'yon kaya kailangan namin ng ensayo.

"You ok?" Biglang tanong sakin ni Shara. Nguniti lang ako at tumango. Mayamaya biglaan na lang syang bumuntong hininga. "I know you're not. Ano ba 'yan Cath! Akala ko ba kaibigan mo na kami?" Aniya. Wala akong nasagot. Hindi ko makuha ang tamang sasabihin kaya nanahimik na lang ako.

Tumawa lang ako sabay hawak sa dalawa nyang pisngi. "Don't worry. wala naman talagang nangyari. hindi big deal." I winked at her at nauna na ngang naglakad. Pero natigilan ako nang napagtanto ko na hindi namin kasabay si Noah. Nasaan yun?

"Uhmm... mamaya na ako sasabay sa inyo, guys? mag c-cr lang ako." Paalam ko pa. Nagkatinginan naman silang lahat at sabay-sabay na tumango.

Bigla ko kasing naalala na kailangan ko pa palang mag punta ng locker at parang gusto ko ding hanapin si Noah. Tsk!

Naglalakad ako sa pasilyo papuntang locker nang makita ko ang pigura ng iilang taong nag-uusap. Marahan akong naglakad at pinakinggan ang mga usapan nila. Hindi sa chismosa pero pakiramdam ko may kailangan akong marinig.

"Bro. inlove ka na ba sa kapatid ko?" Tanong ni Kuya kay Noah. Oo, si Kuya at si Noah. Sila ang mga taong nag-uusap!

Dahan-dahan akong napalunok nang makita ko si Noah at mapansin ang marahang pag yuko nya.

"No."

Para akong binuhusan ng malaming na tubig dahil sa narinig ko. Kusang huminto ang mundo ko at bigla akong nalungkot. Ano yung mga pinapakita nya sa akin kung wala naman pala syang nararamdaman. huh!

Tumingin ako kay Kuya na ngayon ay tango lang din nang tango kay Noah. "So... Trina parin, huh?" Biglaan nyang tanong. Ewan ko ba pero umaasa ako na sana hindi ang isagot nya. Kahit wag na ako... please! basta wag lang si Trina.

"I don't know... Cav. Sinasabi ng isip ko, ayoko na. Pero 'tong puso ko, gusto pa eh." Napayuko si Noah. Habang ako naman eh napasandal nalang sa pader na kung saan ako nandodoon.

Nasasaktan ako..

Nasasaktan ako...

Bakit ba kailangan ko nalang laging umasa? Bakit ba hindi nalang ako yung mahalin? Bakit kailangan ako lang ang magmamahal sa taong wala namang ni katiting na pagmamahal sa akin?

Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mata ko. Bakit naman ganito!

Umalis na ako sa usapang yun at nagtungo nalang ng locker. Habang nagbubukas ako, parang may naramdaman akong kakaiba. Parang may taong nakamasid sa akin.

Ngunit di kalaunnan, ipinagsawalang bahala ko nalang ang bagay na iyon at binuksan ang locker ko. Pagkabukas ko, may nadatnan ako duong envelope na kulay Maroon. Kinuha ko 'yon at binasa.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon