Chapter 71: He's Back

1.7K 51 1
                                    

Nang tanungin ko iyon, imbis na magsalita ay tumayo lang si Noah at Umalis. Sinundan ko ito.

No'ng makita ko na sa Kwarto nya ito pupunta ay agad akong sumunod sa kanya. Nakita ko 'tong naglalagay ng wine sa isang baso. "Noah!" Kinuha ko ang basong iyon at inilayo sa kanya. "May problema ba?" I asked.

Seryoso akong tinignan ni Noah. "Sabihin mo, Cath. Ano tayo noon?!" Kusa akong natahimik sa biglaan nyang katanungan.

"N-Noa---"

"Sabihin mo!" Muli akong natigilan.Tinaasan na nya ako ng boses.  Hinawakan nya na rin ang aking mga braso.

Magsasalita palang sana ako ngunit nakita ko na lang ang sunod-sunod na agos ng luha sa kanyang mga mata. "U-umiiyak ka ba?" Natataranta kong saad. Hahawakan ko palang sana ang kanyang pisngi nang bahagya itong lumayo sa akin.

"Sabihin mo, Cath... Ano ako sayo dati?! Naging tayo ba? Nagkaroon ba tayo ng relasyon?!" Singhal nito sa mismong harapan ko. Hanggang sa hindi ko nga namalayan ay umiiyak na rin pala ako. "Cath ano ba?!"

"Oo!" Napaiyak na ako. "Ako si Mommy Minnie Habang ikaw naman si Daddy M-Mickey." Napaupo ako sa kama. "May relasyon tayo, Noah... A-at hanggang ngayon... Umaasa akong hindi pa natatapos 'yon." Tuluyan na akong humikbi.

Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na naupo rin si Noah sa'king tabi. Hinawakan nito ang magkabilaan kong pisngi at dahan-dahang itinaas iyon. Ipinagdikit nya ang aming mga noo at bahagya syang ngumiti.

"N-Noah... Miss na miss na kita." Wika ko sa gitna nang pag luha. 

"I missed you too, Mommy Minnie." He said. Kusang tumaas ang aking tingin sa kanyang sinabi. Nakangiti ito ngayon sa akin na para bang bumalik na sya sa Noah na pagmamay-ari ko. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa'kin.

My heart stopped beating when I felt his lips touched mine. My world has stopped when I realized what he was doing. I feel like I'm in heaven. My Knees are trembling and I can feel some butterflies inside my stomach. Ganito ba talaga ang mararamdaman ko?

Hindi ito ang first kiss ko ngunit ibang-iba ang halik na ito sa mga halik nya noon. Para bang pinaparating ng mga halik nya na mahal na mahal nya ako. Na miss na miss na nya ako.

Mas lalo pa akong nanghina nang lumalim ang mga halik nito. Para bang sabik na sabik kami sa isa't isa. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad akong inihiga ni Noah.

He started kissing me again. "Oh my god! My Eyes!" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Trina.

Nang mapatingin ako sa pintuan ay hindi lang pala si Trina ang nandoon. Kundi sila Mina at ang iba. Halos lahat ata sila ay nandito!

"Waaaah! May nag p-porn!" Tinakpan ni Charie ang sariling mga mata. Ganoon rin ang ginawa ng iba kaya lalo kong nakagat ang aking labi. Geez. Nakakahiya.

"Ahh... Boss! Maiiwan muna namin kayo." Ani David at hinatak na nga ang kanyang mga kasama. Nang kami nalang ni Noah ang maiwan ay wala akong nagawa kundi ang mapalunok na lang.

"N-Noah... Nakita n-nila tayo." Ngunit imbis na lumayo ito sa akin ay isang ngiti lang ang kanyang isinagot.

"Who Cares?" He said at muli ngang pinaglapat ang aming mga labi. I can't help but to respond. Ang mga halik ni Noah ay parang alak na nakakalasing. Nalalasing ako sa mga halik nya to the point na wala akong magawa kundi ang gantihan ang mga ito.

Lasang mint ang labi nito na naging dahilan kung bakit ako mas lalong nag-iinit. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nagsalita sya. "Damn! You driving me crazy, Cath." Humiga sya sa tabi ko at mahigpit akong niyakap.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon