Shara POV"Rustyyyyy!!" I shout at the top of my lungs. Hindi pwede, papakawalan ko nanaman yung baby ko!
Masakit ang mga paang kinulit ko si Rusty. "Ano ba, Shara?? bakit ang kulit mo!?" Irita nya pang wika at muli nanamang tumakbo papalayo sa akin.
Bumuntong hininga ako. Bakit ko nga ba kasi sya hinahabol? eh kasi naman po... sya yung boyfie ko este, fiancée na pala!
Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya nang malaman 'kong ipapakasal ako sa taong matagal ko ng gusto. Swear to god, sobrang saya ko.
"Correction! hindi mo ako boyfriend! lalong lalo na hindi mo ako Fiancée urghh!" Luh? nalaman nya iniisip ko? well, gwapo parin sya. hahaha!
"Fiancée kita. Sabi ng mommy mo at mommy ko. Payag nga din yung mga tatay na 'tin. so Fiancée kita whether you like it, or not." Ngumisi ako.
At sa ngisi ko palang na iyon, mukhang alam na nya ang aking binabalak. Nagsimula syang umatras. Ako naman ay tawa lang nang tawa na parang demonyo.
Kawawa naman ang Baby ko! Ang gulo na ng buhok nya. Sino kaya ang gumahasa dito?
"Waahh! tulong! tulong!" Pero huli na ang lahat. Nahatak ko na kasi ang laylayan ng damit nya at tsaka sya pinuno ng mga halik ko. Hihi.
"Wala ka ng kawala sa akin, Babyloves!"
"Fck! Maawa ka sakin, Shara! Pakawalan mo ako!" Desperadong aniya at pilit na kumakawala sa mga bisig ko. Hindi ko sya pinagbigyan. Pinuno ko lang ng mga halik ang buo nyang mukha.
"Hahaha. isipin mo nalang na ito ang iyong Karma dahil masyado kang Playboy, Baby! Hahahaha! I love you! Mhuaaa!" Buong lakas nya akong tinulak dahilan para makawala ako. Nang makahanap na sya ng butas, doon na sya tumakbo papalayo sa akin. I smirked.. maiinlove ka din sa akin, Rusty!
"Shit baby loves! Akin ka lang!"
"Urrghh!" Huli pa nitong hiyaw bago nga mawala sa aking paningin. Grabe! kahit inis na inis sya ang gwapo nya parin. Parehas sila ng kaibigan nya na si David. Well, wala naman talaga akong pakialam sa kanila dahil simula't sapul, kay Rusty lang talaga ang focus ko.
Loyal kaya 'to!
Una palang, crush ko na sya. As in parang na love at first sight ako? basta ganun na 'yon. Eh tamang tama na magka business partners ang mga magulang ko at ang mga magulang nya.
Buti na lang, nagustuhan ako nila tita Melanie dahil sa taglay ko raw na kagandahan at talento sa pag kanta o pagtugtog ng kung anu-ano mang instrumento. Kaya ayon, pinaglapit nila kami ni Rusty at ehem! Kita nyo naman, ako na ngayon ang fiancèe nya!
Kung ayaw man nya sa ngayon, Dadating ang panahon na mamahalin nya rin ako. Nuh ba! tiwala lang. fighting!
But before I forgot, ako nga pala si Shara Mikaela Reyes. 16 years old at sabi nila? Makulit daw. Duh! Yung fiancèe ko naman, he is Rusty Fernandez. 16 years old palang din sya kaya bagay na bagay talaga kami, right?Hindi ko sya susukuan. lahat gagawin ko mainlove lang sya sa akin. Nalaman ko na may GF pala sya dati kaso niloko sya kaya ayun... Simula nang mangyari iyon, wala daw syang kain, puro inom ng alak lang ang ginagawa ng baby ko. Poor Rusty. kaya naman eto ako ngayon. Gusto ko syang maka move on at gusto ko syang magmahal ulit. Pero kung dadating man ang panahon na hindi nya na talaga kaya, I mean, hindi na nya talaga kaya akong mahalin, ako na mismo ang lalayo.
Kung duon sya masaya, gagawin ko. mahal ko eh. Isa pa, hindi naman ako yung ibang babae dyan na hindi na ngang nakikitang masaya yung lalaki, pinipilit pa nila yung sarili nila don. Tsk! Malapit palang.
BINABASA MO ANG
Campus Sweethearts (Completed)
Teen FictionJust an ordinary students with a different skills, mindset and feelings. Let's see their journey chasing their dreams READ AT YOUR OWN RISK