Dumating ako sa park ng mas maaga sa inaakala ko. Agad kong niligid ang aking mga mata para hanapin si Prince pero wala, ni anino niya hindi ko makita. Nagdesisyon akong maghintay ng hanggang sa sinabi niyang oras. At dahil nandito na rin ako sinulit ko na ang aking pamamalagi. Tumingala ako habang nakahiga sa may buntot ng padulasan; napaka ganda pala ng kalangitan ngayong gabi, bilog at napaka tingkad ng buwan na nag bibigay liwanag sa kapaligiran, ang magagandang kinang ng mga bituin na animo'y alitap tap sa kalangitan, ang simoy ng hangin na may dalang lamig ay bumabalot saking katawan. Nais ko na rin magpasalamat kay Prince kahit hindi man siya dumating sa usapang ito kasi nakalimutan ko na kung kailan ko huling natitigan ang kalangitan sa gabi ng ganito.
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang tunog ng tsubibo, na tila may naka upo. Napatayo ako at kumalma ng makita kong si Prince lang pala yun, humiga din siya pero dun sa may tsubibo habang nakatingin din sa langit. Lumingon siya sakin at ngumiti ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya mula pa kanina.
"Alam mo ba kung anong oras na?" sabi ko sakanya.
"Sampung minuto makalipas ng ikasiyam ng gabi" sagot ni Prince.
"Alam ko, at it's curfew hours na" tugon ko sakanya.
"Anung ginagawa mo kasama ang partner mo sa school dito sa park ng ganitong oras ng gabi? Tanong nito na may halong pang aasar.
Pero tama siya, anu nga ba ginagawa ko dito kasama siya? Anung naisip ko at ginagawa ko toh? Gosh!
"Uuwi na ko" seryosong ika ko.
Tumayo ako at inayos ang sarili, nang bigla niya kong hinatak at nagsalta "Ngayon mo pa talaga naisip yan? Tara, magsasaya tayo."
"Teka!" Huminto naman siya at lumingon sakin, nang para bang naghihintay ng kasagutan mula sa akin.
"Anu bang pina plano mo?"
"Basta sumama ka na lang sakin, makikita mo" sagot ni Prince sakin na halatang nasisiyahan sa mga nangyayari.
Naglakad na siya at sumunod naman ako, habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapaisip kung sino nga ba talaga ito si Prince,napaka misteryoso niya. Ni-wala akong alam tungkol sa kanya bukod sa nag aaral siya sa Olympus High School, kaklase ko siya at mag partner kami pero other than that isa siyang estranghero.
"Prince hindi mo sinagot ang tanong ko sayo noon, sino ka ba talaga?"
"Ako si Prince John, nag aaral sa Olympus High School, kaklase at kapartner ni Jenna Grace" sagot nito ng may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.
"Okay, smart-ass. Saan ka nakatira? Hindi naman tama na ikaw lang nakaka alam ng bahay ko." Ika ko sakanya.
"Nakatira ako sa... may tuktok ng burol" sagot nito.
"Sa may tutok ng burol, yung nag iisang bahay dun?" tanong ko sakanya na parang isang bata na nasasabik sakanyang isasagot.
"Tumpak!" tugon nito at tumawa.
Hindi na ko makatiis at tinanong muli siya ng isa pang katanungan.
"May mga kapatid ka, ilan?"
"Dalawa; babae ang sumunod sakin at lalaki naman ang bunso, Sherlock Holmes at kung nais mo rin malaman ang ina ko ay tunay na maalaga at ang ama ko naman ay busy sa trabaho" sagot ni Prince na may halong pangaasar.
"Ewan ko sayo" ika ko at nag tulakan na kami habang naglalandian papunta sa kung san man ako dinadala nitong si Prince.
Oo wala na kong pakialam, nag e-enjoy naman kasi akong kasama tong si Prince, he's not that bad after all. Mejo sobrang ligalig at kulit niya na madalas na nagdudulot para ma-misinterpret siya, ginagawa niya lang kung ano ang nagpapasaya sakanya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.
BINABASA MO ANG
Love is a Four-Letter Word and so is Hate [REVISIONS GOING-ON]
Teen FictionMasaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High. Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lah...